Pumunta sa nilalaman

Tugong nakadepende sa liwanag

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga reaksiyong nakadepende sa liwanag ng potosintesis at the membranong tilakoyd.

Ang mga reaksiyon sa liwanag, yugto ng liwanag, tugong nakadepende sa liwanag, gantingkilos sa liwanag, gantimbisa sa liwanag, o potolisis (Ingles: light reaction, photo phase, light-dependent reaction, photolysis) ay ang unang kaganapan sa potosintesis kung saan ang enerhiya na galing sa araw (enerhiya ng liwanag ) ay kinukuha bilang kemikal na enerhiya para maputol ang produksiyon ng tipik ng tubig ng ATP at NADPH.

Sa tilakoyd (makikita sa kloroplast) karaniwang nagaganap ng reaksiyon sa liwanag. Maibubuod ito sa mga sumusunod:

  1. Tatamaan ng enerhiya ng araw (enerhiya ng liwanag) ang katawang kloropila at nagiging aktibo ang elektron.
  2. Nagsanib ang elektrong NADP at H para mabuo ang NADPH sa Tanikalang Tagapagdala ng Elektron.
  3. Tatamaan ng araw ang ikalawang tipik na kloropil at mahahati ng tipik ng tubig sa hidroheno at oksiheno. Ilalabas ang oksiheno sa atmospera at nadadagdag ang ionong hidroheno.
  4. Maraming hidroheno ang madadala ng Tanikalang Tagapagdala ng Elektron.
  5. Napapatakbo ang enerhiya para mabuo ang ATP.
Buod ng unang kaganapan ng potosintesis na reaksiyon sa liwanag.
  1. Makukuha ng kloropil A, na isang Tagapagdala ng Enerhiya, ang Enerhiya ng Liwanag at magiging Nagka-enerhiyang kloropil.
  2. Ang Nagka-enerhiyang kloropil na nagbibigay ng enerhiya para mabiyak ang tubig (H20) at dagdagan ng pospato ang ADP(adenosine diphosphate).
  3. Mabibiyak ang H20 sa dalawang hidroheno at oksiheno. Ilalabas ng halaman ng oksiheno bilang produkto habang ang dalawang hidroheno ay makukuha ng NADP, na isang Tagatanggap ng H, na magiging NADPH na gagamitin sa reaksiyon sa dilim.
  4. Samantala, idadagdag ang pospato (P) sa ADP na isang Tagapagdala ng Enerhiya Carrier na magiging ATP na nagtataglay ng enerhiya na gagamitin sa reaksiyon sa dilim.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Asimov, Isaac (1968). Photosynthesis. New York, London: Basic Books, Inc. ISBN 0-465-05703-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Bidlack JE; Stern KR, Jansky S (2003). Introductory plant biology. New York: McGraw-Hill. ISBN 0-07-290941-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  • Blankenship RE (2008). Molecular Mechanisms of Photosynthesis (ika-2nd (na) edisyon). John Wiley & Sons Inc. ISBN 0-470-71451-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Govindjee (1975). Bioenergetics of photosynthesis. Boston: Academic Press. ISBN 0-12-294350-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Govindjee Beatty JT,Gest H, Allen JF (2006). Discoveries in Photosynthesis. Advances in Photosynthesis and Respiration. Bol. 20. Berlin: Springer. ISBN 1-4020-3323-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  • Gregory RL (1971). Biochemistry of photosynthesis. New York: Wiley-Interscience. ISBN 0-471-32675-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Rabinowitch E, Govindjee (1969). Photosynthesis. London: J. Wiley. ISBN 0-471-70424-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Reece, J, Campbell, N (2005). Biology. San Francisco: Pearson, Benjamin Cummings. ISBN 0-8053-7146-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.