Tukmol
Tukmol | |
---|---|
![]() | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Columbiformes |
Pamilya: | Columbidae |
Sari: | Streptopelia |
Espesye: | S. tranquebarica
|
Pangalang binomial | |
Streptopelia tranquebarica |
Ang tukmol[1] (Ingles: turtle dove na may literal na kahulugang "kalapating pagong"; pangalang pang-agham: Streptopelia tranquebarica[2]) ay isang kasapi sa pamilya ng mga ibong (Aves) Columbidae, kung saan kabilang ang mga kalapati (Columbidae). Mas maliit at mas bahagya ang laki ng pangangatawan kung ihahambing sa iba pang mga kalapati, maaaring makilala ang tukmol dahil sa kaniyang mas kayumangging kulay, at sa itim at puting guhitang bakat sa leeg nito, ngunit nahahagip ng pananaw ng mata ang ang buntot kung lilipad ito mula sa tagapagmasid; kahugis ang bunto ng isang kalang o kalso na may maitim na gitna at puting mga gilid at mga dulo; tila madilim na titik V ang hugis nitong nasa kalatagang maputi. Mapapansin ito kapag yumuyukod ang ibon para uminom, sapagkat itinataas ng ibon ang kaniyang nakabukang buntot. Nalalaman ding mabalasik na mapagangkin ng nasasakupang pook ang isang tukmol.
Ibang gamit ng salita[baguhin | baguhin ang batayan]
Ginagamit kadalasan ang salitang tukmol bilang salitang balbal na nangangahulugang pangit o nakakainis na tao.[3][4]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "Tukmol, turtledove". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
- ↑ "tukmol" sa diksiyonaryo.ph
- ↑ "Ang lahok ng salitang "tukmol" sa CopongCopong". Tinago mula orihinal hanggang 2013-04-18. Kinuha noong 2011-09-02.
- ↑ Artikulo mula Center for Southeast Asian Studies, Northern Illinois University tungkol sa salitang kalye