Tuldok-kuwit
| Tuldukuwit | |
|---|---|
| U+003B ; SEMICOLON (;) | |
| ؛ | Arabeng tuldukuwit |
| ፤ | Ethiopic na tuldok-kuwit |
| ꛶ | Bamum na tuldok-kuwit |
Ang tuldok-kuwit (;) o tuldukuwit (Ingles: semicolon[1]) ay isang bantas na may iilang gamit sa panulatan, na binubuo ng pinagsamang tuldok at kuwit. Halimbawa, ginagamit ito sa pag-uugnay ng dalawang malayang sugnay na malapit ang diwa sa isa't-isa sa isang pangungusap na tambalan.[2] Kapag nagsasama ang tuldukuwit ng dalawa o higit pang mga ideya sa isang pangungusap, ang mga kabatirang iyon ay binibigyan ng pantay na antas.[3] Maari rin silang gamitin sa paghi ng mga bagay sa isang talaan, lalo na tuwing naglalaman ng kuwit ang nasabing talaan.[4]
Ang tuldok-kuwit ay isa sa mga hindi maunawaang bantas ng karamihan, kaya hindi ito madalas ginagamit nang balana.[5]
Sa pagkasaayos (Ingles: layout) ng QWERTY pindutan (Ingles: keyboard), ang tuldok-kuwit ay nasa unshifted homerow sa ilalim ng kalingkingan ng kanang kamay at ay naging malawakang ginagamit sa wikang pamprograma bilang panghiwalay ng statement o terminator.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Learning English". bbc.co.uk. British Broadcasting Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-23. Nakuha noong 2014-05-08.
- ↑ Casanova (2001). Pagbasa at Pagsulat Sa Ibat-ibang Disiplina'2001 Ed. Rex Bookstore, Inc. ISBN 978-971-23-3074-2.
Ang tuldukuwit din ay ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng pangungusap na tambalan kapag hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
- ↑ "Using semicolons". The Writing Center (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-11. Nakuha noong 2020-11-08.
A semicolon is most commonly used to link (in a single sentence) two independent clauses that are closely related in thought. When a semicolon is used to join two or more ideas (parts) in a sentence, those ideas are then given equal position or rank.
- ↑ "Learning English grammar: How to correctly use a semicolon". Scribendi.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 August 2014. Nakuha noong 30 July 2014.
- ↑ "For Love of the Semicolon – Insights to English". Insights to English (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-10. Nakuha noong 2020-11-09.
- ↑ Mössenböck, H. "Introduction to C# – The new language for Microsoft .NET" (PDF) (subtitle: Statements). Linz: University of Linz. p. 34. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2011-09-29. Nakuha noong 2011-07-29.
Empty statement: ; // ; is a terminator, not a separator
.
