Pumunta sa nilalaman

Tulong:Ang aking sanayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang aking sanayan o ang aking burador ay isang tampok na nagbibigay sa iyo ng isang lugar upang makapagsanay sa pamamatnugot, sa pamamagitan ng isang balangkas para sa kalaunang paglalathala sa pangunahing ensiklopedya, o pagsasanay lamang sa pagpopormat ng mga syntax ng wiki markup. Kung mayroon kang akawnt, makikita mo ang isang link sa kanang itaas na sulok ng pahinang ito na nagsasabing "Burador"; kapag pinindot mo ito, pupunta ka sa iyong sanayan o burador. Kung gamit ang pabalat o skin na Vector 2022, makikita ang link na "Burador" kapag pinindot mo ang imahe o icon na parang tao na nasa kanang itaas din ng pahinang ito.

Bubuksan ng link ang subpahinang tagagamit na Special:MyPage/burador. Kung wala pa ang pahina, bukas ito para sa pamamatnugot na kasama ang padron na {{User sandbox}} na nakalagay sa itaas ng kahong pamamatnugot. Ipinapaalam ng padron na ito sa mga mambabasa na ang pahina ay isang sanayan, hindi isang artikulo, at iniiwasan ang pahina na iindeks ng mga search engine.

Pagpapalit ng pangalan ng pahinang sanayan

Kung nais mong palitan ang pangalan (o ilipat) ang iyong burador. Hilingin lamang ito sa Kapihan, ang pangkalahatang puntahan ng pamayanang Wikipediang Tagalog.

Pagpapasadya

Pagtanggal

Dating isang gadyet ang link ng sanayan o burador subalit isa na itong nakasamang tampok. Hindi ito matatanggal sa iyong mga kagustuhan ngunit matatanggal ito sa pamamagitan ng paglagay nito sa iyong CSS:

li#pt-sandbox { display: none !important; }

Walang feature-settings ang tampok na ito upang suporthan ang pagpapasadya, bagaman, matatanggal ito at isang bersyong JavaScript ang nalikha sa espayong tagagamit o userspace.

Paglipat sa toolbar

Upang makalikha ng isang link sa toolbar sa Special:MyPage/burador.

mw.util.addPortletLink(
 'p-personal',
 '/w/index.php?title=Special:MyPage/burador&action=edit&preload=Template:User_sandbox/preload&editintro=Template:User_sandbox',
 'Aking burador',
 'pt-mysandbox',
 'Pumunta sa iyong burador',
 null,
 '#pt-preferences'
 );

Upang tanggalin ang autoedit:

var NoEditSandbox = $('#pt-mysandbox a').slice(0,1).attr('href', '/wiki/Tagagamit:' + wgUserName + '/burador');

Ang aking mga subpahina

Kung marami kang mga burador o ibang subpahinang tagagamit, maari mas mainam na ipakita ang tala ng iyong mga subpahina.

Tiyakin na palitan ang Pangalang Tagagamit sa panglang tagagamit o username mo.
 mw.util.addPortletLink(
 'p-personal',
 '/wiki/Special:PrefixIndex/Tagagamit:Pangalang Tagagamit',
 'Aking mga subpahina',
 'pt-mysubpages',
 'Ipakita ang mga subpahina ko',
 null,
 '#pt-preferences'
 );

Pananda