Turismong pang-ekolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Llano del Muerto talon sa El Salvador

Ang turismong pang-ekolohiya o ekoturismo ay isang uri ng turismo na nagsasaklaw ng responsableng paglalakbay (gamit ang sustainable na transportasyon) sa mga natural na lugar, pangangalaga sa kapaligiran, at pagpapabuti ng kapakanan ng mga lokal na mamamayan.[1] Ang layunin nito ay maaaring para magbahagi ng kaalaman sa turista, magtaguyod ng pondo para sa ekolohikal na pangangalaga, para sa direktang benepisyo ng ekonomikong pag unlad at politikal na pagpapalakas ng mga lokal na komunidad, o para mapagyaman ang respeto sa iba’t ibang kultura at para sa karapatang pantao. Mula pa noong taong 1980s, ang turismong pang-ekolohiya ay itinuturing na bilang kritikal na adhikain ng mga environmentalists (mga taong nagsusulong ng pangangalaga at pagprotekta sa ating kapaligiran), upang ang mga susunod na henerasyon ay makaranas ng mga destinasyon na wala pang interbensyon ng mga tao.[2]:33 Ang turismong pang-ekolohiya ay maaaring mag pokus sa pagtuturo sa mga turista tungkol sa lokal at natural na kapaligiran ng may kasamang layunin sa ekolohikal na pangangalaga. Isinasama ng iilan sa depinisyon ng turismong pang-ekolohiya ang pagsisikap na makagawa ng mga ekonomikong oportunidad na siyang makatutulong upang ang pangangalaga sa mga likas na yaman sa aspetong pinansyal, ay maging posible.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang source]

  1. "What is (not) Ecotourism? | Global Ecotourism Network (GEN)". www.globalecotourismnetwork.org. Nakuha noong 2020-08-17.
  2. Honey, Martha (2008). Ecotourism and Sustainable Development: Who Owns Paradise? (ika-Second (na) edisyon). Washington, DC: Island Press. ISBN 978-1-59726-125-8.
  3. "Ecotourism vs Sustainable Tourism". Integra: developing impact from opportunity. September 1, 2021. Tinago mula sa orihinal noong 2021-09-01.