Pumunta sa nilalaman

Lalik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Turno (makina))
Isang turnuhan o lalikan.
Isang babaeng operador o tagapag-paandar ng isang lalikan.

Ang lalik, lalikan, turno, turnuhan o turnohan[1] (Ingles: lathe, lathe machine) ay isang uri ng makina, aparato, o gawaan na nakapagpapaikot (mayroon itong palaikutan) ng isang materyal para maisagawa ang ilang mga gawaing tulad ng paghiwa, pagbutas, pagpapakinis, at pagbibigay hugis sa tulong ng iba pang mga kasangkapan, upang magkaroon ng pantay-pantay na anyo ang isang bagay. Nagagamit ito sa mga gawaing ginagamitan ng kahoy, metal, salamin at putik. Isang payak na halimbawa nito ang palaikutan para sa paghubog ng palayok. Tinatawag ding lalikan, turnuhan o turnuhan ang pook na gawaan ng taong nag-tuturno.

  1. English, Leo James (1977). "Turno, turno". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.