Pumunta sa nilalaman

UNESCO-IHE

Mga koordinado: 52°00′31″N 4°21′25″E / 52.00861°N 4.35694°E / 52.00861; 4.35694
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang gusali ng UNESCO-IHE sa Delft.

Ang UNESCO-IHE Institute for Water Education Pasanayan para sa Edukasyon sa Tubig ay isang pandaigdigang pasanayan para sa edukasyon sa tubig na itinatag noong 2003. Pinagpatuloy ng UNESCO-IHE ang gawain nito na nagsimula pa noong 1957 nang unang i-alok ng IHE ang isang tapos-kolehiyong kursong pandiploma sa "Hydraulic Engineering" sa mga manggagawang propesyunal mula sa mga paunlad na bansa.

Ang UNESCO-IHE ay matatagpuan sa Delft[1], Olanda at ito ay pag-aari ng lahat ng kasaping bansa ng UNESCO. Ito ay magkasamang itinatag bilang "Unang Kategoryang Sanayan" ng UNESCO at ng Pamahalaan ng Olanda.

Ang Pasanayang ito ay may pinakamalaking pasilidad para sa edukasyon sa tubig sa buong mundo at natatanging institusyon ng Sistema ng UN na pinahintulutang magkaloob ng kinikilalang tapos-kolehiyong kurso Master of Science degrees at PhD degrees.

Ang mga gawain ng UNESCO-IHE ay ang mga sumusunod:

  • May pangunahing papel sa pagsasagawa ng pandaigdigang pamantayan para sa tapos-kolehiyong edukasyong pangkatubigan at iba pang edukasyong panuluyan;
  • Makapagbigay ng serbisyong pangkarunungan/kaalaman para sa mga paunlad na bansa;
  • Makapagbigay ng edukasyon, pagsasanay at programang pananaliksik;
  • Makapagtatag at mamahala ng mga ugnayan na pang-edukasyon at sektor sa tubig na mga institusyon at mga samahan sa buong mundo;
  • Magsilbi bilang isang "lugar talakayan para sa polisiya o patakaran" para sa mga kasaping bansa ng UNESCO at iba pang mga kaanib; at
  • Magkaloob ng propesyunal na kasanayan at payo kaugnay ng edukasyon sa tubig.

Mula ng itinatag ito noong 1957, at kinilalang IHE, ito ay nakapagkaloob ng tapos-kolehiyong edukasyon sa higit 14,000 propesyunal [inhenyero't siyentista] na halos lahat ay mula sa mga paunlad na bansa, na kumakatawan sa 160 mga bansa. Ito ay nakapagpatapos na ng mahigit 75 PhD estudyante at marami pang ibang gawain sa larangan ng pananaliksik at mga proyekto ng pagbubuo ng kasanayan sa buong mundo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. UNESCO-IHE website Naka-arkibo 2007-08-04 sa Wayback Machine. (sa Ingles)

52°00′31″N 4°21′25″E / 52.00861°N 4.35694°E / 52.00861; 4.35694

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]