UP Mountaineers
Ang UP Mountaineers ay ang nangungunang samahan ng mga namumundok sa Unibersidad ng Pilipinas. Itinatag ito noong ika-17 ng Abril 1977 nang sama-sama/sabay-sabay sa Barrio Krus na Ligas sa loob ng bahay nina Boboy Francisco at ng kanyang mga kapatid (sina Benjie at Jojie),ang kaklaseng si Bobbit Palaganas at mga kaibigan niya na sina Ross Lagade at Art Ellson.
Kilala ang UPM sa Unibersidad, pati na rin sa ibang mga pamantasan at organisasyon ng mga namumundok dahil sila ang nagtaguyod ng iilan sa mga pamantayan ng kasanayan ng pamumundok sa bansa tulad ng prinsipyong LNT o Leave No Trace (Huwag Mag-iwan ng Bakas) at ng BMC o Basic Mountaineering Course (Panimulang Kurso sa Pamumundok).
Iilan din sa mga miyembro ng UPM ay ngayon sikat na. Tulad ni Romi Garduce, na pangatlong Pilipino na makaakyat sa Bundok Everest.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.