Pumunta sa nilalaman

Uddevalla

Mga koordinado: 58°21′N 11°55′E / 58.350°N 11.917°E / 58.350; 11.917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Uddevalla
Nakapanunghay sa lunduyan ng Uddevalla
Nakapanunghay sa lunduyan ng Uddevalla
Uddevalla is located in Västra Götaland
Uddevalla
Uddevalla
Uddevalla is located in Sweden
Uddevalla
Uddevalla
Mga koordinado: 58°21′N 11°55′E / 58.350°N 11.917°E / 58.350; 11.917
BansaSuwesya
Lalawigan (sinauna)Bohuslän
LalawiganLalawigan ng Västra Götaland
BayanBayan ng Uddevalla
Lawak
 • Kabuuan16.92 km2 (6.53 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Disyembre 31, 2010)[1]
 • Kabuuan31,212
 • Kapal1,845/km2 (4,780/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (OGE)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (OTGE)

Ang Uddevalla ay isang stad at luklukan ng Bayan ng Uddevalla sa Lalawigan ng Västra Götaland, Suwesya. Noong 2010, ito ay may santauhang 31,212.[1]

Matatagpuan ito sa isang look ng timog-silanganang bahagi ng Skagerrak. Ang mga dalampasigan ng Udevalla ay puno ng mga kabibe at ito ay isa sa may pinakamalaking mga pampang ng may mga kabibe sa daigdig.

May isang daungan ang Udevalla at minsan nagkaroon ng isang malaking dahikan, ang Uddevallavarvet ("daungan ng Uddevalla"), na naging pinakamalaking maypagawa sa Bohuslän noong pultaong 60. Nang bumagsak ang agimat noong pultaong 70, malubhang tinamaan ang kalalangang dahikan sa Suwesya, at ito ay nagsara noong 1985.


Ang Uddevalla noong mga taong 1700, mula sa Suecia Antiqua et Hodierna

Ipinagkaloob sa Uddevalla ang karangalang pambayan noong 1498, ngunit maaaring isa na itong lundayan ng pangangalakal bagupaman. Dati itong sakop ng Norwega at ang kasalukuyang pangalan nito ay nagbuhat sa wikang Norwegano Oddevald. Dahil ito ay malapit sa Suwesya at Dinamarka, malimit itong nakukubkob. Sinunog ito ng mga kawal Suweko noong 1612 sa pamumuno ni Jesper Mattson Krus at noong 1644, sinunog magmuli naman ng punong Suweko na si Harald Stake. Noong 1658, ito ay ipinagkaloob sa Suwesya sa kasunduan sa Roskilde. Ngunit, muling nakuha ng mga Norwegano makalipas ng isang taon, at noong 1660, magmuli itong ipinagkaloob sa Suwesya sa ilalim ng kasuduang pangkapayapaan sa Kopenhage. Kinalaunan, makailang sinakop ng Norwega ang Uddevalla at mga karatig kuta nito sa Galleberg, at sa huling pagkakataon noong 1788.

Noong ika-18 at ika-19 na dantaon, ang pangunahing hanapbuhay sa Uddevalla ay ang pangingisda ng tamban. Bantog din ang bayan sa mga natamo nitong malawakang sunog na ikinasira ng lungsod sa maraming pagkakataon. Ang lubhang mapinsalang sunog ay noong 1806 kung kailan natupok ang kabuuan ng bayan. Tanging apat na mga kabahayan lamang ang hindi nasunog at may mga 4,000 katao ang nawalan ng tirahan.

Noong ika-19 na dantaon, hindi naging madali sa Uddevalla ang pagbangon mula sa pagbagsak ng agimat; ang kahirapan at paglalasing ay laganap sa mga mamamayan nito. Ang mga pangunahing kadahilanan nito ay ang sinapit ng bayan sa sunog noong 1806, ang pagtumal sa pangingisda ng tamban at ang pagbubukas ng Agusan ng Trollhätte.

Nakahikayat ng mga bagong kalalang ang Uddevalla noong 1870-80. Karamihan ng kaunlarang ito ay ipinatungkol sa isang mangangalakal na Eskoses na si William Thorburn. Masasabing siya ay napahanga sa angking kagandahan ng bayan na nagpasiya siyang makipamayan dito kasama ang kanyang asawa na si Jessy Macfie noong 1822.[2] Itinatag niya ang mga ilang kalalang, at isa sa mga nanguna ay isang pagawaan ng tela. Ang pagtatayo ng bagong daang-bakal, ang Hanay Bohus, ay nakatulong din sa muling pagbangon ng agimat ng bayan. Isa sa mga bantog na tao sa kasaysayan ng Uddevalla ay si Ture Malmgren, isang tagapaglathala ng pahayagan at isang politikong malabusaw at masulong.

Noong Pandaigdigang Kampeonato ng 1958, ang Uddevalla ay isa sa mga labindalawang bayan sa Suwesya na naglunsad ng mga palaro, na ginawa sa estadyo ng Rimnersvallen.[3]

Ika-21 dantaon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Makalipas ang kagipitan sa dakinang kalalang sa Suwesya noong pultaong 80, na nagbunsod sa pagpapasara ng Uddevallavarvet, nakaranas ang Uddevalla ng kahirapang agimatin. Makalipas ng tatlumpung taon, ang bayan ay muling nanumbalik at ang santauhan ay muling dumarami, bagaman may kabagalan.

Lahat ng mga matataas na paaralan sa Uddevalla ay isahang pinangangasiwaan ng Uddevalla Gymnasieskola ("Mataas na Paaralan ng Uddevalla"), na siya ring pinakamalaking mataas na paaralan sa Suwesya. Ang paaralan ay may 4,000 mag-aaral na nag-aaral sa mga sumusunod na sangay nito:

Marami ring mga mabababang paaralan sa Uddevalla, ilan sa mga ito ay ang:

  • Äsperödskolan
  • Västerskolan
  • Fridaskolan
  • Ramnerödsskolan
  • Norgårdenskolan
  • Norrskolan
  • Sommarhemsskolan

Ang Agnebergshallen arenang panloob ay ginagamit sa mga ilang mga palakasan tulad ng ''handball''.

Ang tahanang dako ng IK Oddevold ay ang arenang panlabas ng Rimnersvallen. Karatig nito ay isang malaking arenang panloob, ang Rimnershallen na ginagamit sa ''handball'' at ''floorball'' maging sa iba pang mga palakasan.

Kapisanang pampalakasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sumusunod na kapisanang pampalakasan ay matatagpuan sa Uddevalla:

Ugnayang pandaigdigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapatid-bayan at Kapatid-lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sumusunod ay ang mga kapatid-bayan at kapatid-lungsod ng Uddevalla:

Karagdagang kaalaman

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Tätorternas landareal, folkmängd och invånare per km2 2005 och 2010" (sa wikang Suweko). Palaulatang Suweko. Disyembre 14, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 10, 2012. Nakuha noong Enero 10, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Thorburn, Frank (2010). "Thorburn-Macfie Family Society". thorburn-macfie.se. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2014. Nakuha noong Hulyo 7, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "World Cup 1958 finals". rsssf.com. 2010. Nakuha noong Hulyo 7, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 24, 2015. Nakuha noong Nobyembre 21, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Uddevalla's Twin Cities Outside Nordic Countries" (PDF). Uddevalla kommun. 2014. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hulyo 14, 2014. Nakuha noong Hulyo 7, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Talaaklatan

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Uddevalla mula sa Wikivoyage