Pumunta sa nilalaman

Ugnayang Nauru-Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ugnayang Nauru-Pilipinas
Nauru   Pilipinas
Mapang ipinapakita ang tagpuan ng Nauru at Pilipinas
  Nauru

Ang Ugnayang Nauru–Pilipinas ay ang dalawahang pakikipagunayan sa pagitan ng Nauru at Pilipinas. Pinapanatili ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Nauru sa embahada nito sa Canberra, Australia[1]

Ugnayang pang-ekonomiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pamamagitan ng Nauru Phosphate Royalties Trust, ang Nauru ay namuhunan sa Pilipinas at ipintayo ang Manila Pacific Star Hotel, ngunit ang otel ay nalugi ng malaki. Sumabak ang Nauru at Pilipinas sa isang joint venture sa industriya ng posporo kung saan ang hilaw na posporo mula sa Nauru ay ipinaproseso sa mga planta na ipinatayo sa Pilipinas. 35 milyong dolyar ang ipinuhunan sa joint venture. Mamayang sinasabi ng Nauru na ang halaga na ipinuhunan ay 60 milyong dolyar. Nalugi ang proyekto ng 1.2 bilyong dolyar.[2]

Mga pagbibisitang pang-estado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gumawa ng pagbibisitang pang-estado sa Pilipinas ang pangulo ng Nauru na si Hammer DeRoburt. Ang kanyang unang opisyal na pagbisita ay nangyari noong Nobiyembre 22–23, 1978. Bumisita rin siya ng Mayo 1 at Agosto 29, 1980. Tinalakay nila De Roburt at pangulong Ferdinand Marcos ng Pilipinas ang mga maaring pakikipprospects for pakikipagtulungan sa larangan ng agrikultura, pataba sa lupa, pangingisda, at pabahay. Sa kanyang pagbisita noong Agosto 29, nangyari ang isang talakayan upang tapusin ang sa paggawa ng isang kasunduan ukol sa pagsuplay ng hilaw na posporo sa Pilipinas na tinatayang 20 milyong dolyar sa halaga noong panahon na iyon para sa susunod na sampung taon.[3]

Noong termino ng pangulo ng Nauru na si Hammer DeRoburt, lumapit ang Nauru sa maraming bansa sa Pasipiko upang makabili ng isang pulo para sa mga mamamayan nito kapag naubos na ang posporo sa Nauru. Isa sa mga bansang nilapitan ay ang Pilipinas. Naiuulat na ang Pilipinas ay di interesado ukol dito.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Mission" (sa wikang Ingles). Philippine Embassy - Canberra, Australia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-01-06. Nakuha noong Enero 6, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Crocombe, Ron (2007). Asia in the Pacific Islands : replacing the West (sa wikang Ingles). Suva, Fiji: IPS Publications, Unibersidad ng Timog Pasipiko. p. 169. ISBN 9820203880.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Philippine Democracy: Chronology and Documents 1972-1981. Manila, Philippines: Foreign Service Institute. 1981.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pritchard, Chris (Hunyo 23, 1986). "Wanted: one small island for the nation of Nauru to move to". The Christian Science Monitor. Nakuha noong Enero 5 2015. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)