Unibersidad ng Belgrade
Ang Unibersidad ng Belgrade (Serbiyo: Универзитет у Београду / Univerzitet u Beogradu; Ingles: University of Belgrade) ay ang pinakamatanda at pinakamalaking unibersidad sa Serbia.
Itinatag noong 1808 bilang Belgrade Higher School sa rebolusyonaryong Serbia, noong 1838 ito ay isinanib sa mga kagawarang nakabase sa Kragujevac para maging iisang unibersidad. Ang Unibersidad ay may halos 90,000 mag-aaral (kabilang ang halos 1700 mag-aaral sa antas postgradwado) at mahigit 4,200 miyembro ng kaguruan. Simula nang maitatag ito, ang Unibersidad ay nakapag-eduka ng higit sa 330,000 batsilyer, sa paligid ng 21,300 master, 29,000 espesyalista at 12,600 doktor. Ang Unibersidad ay binubuo ng 31 fakultad, 11 instituto sa pananaliksik, isang aklatan, at 7 university center. Ang mga fakultad ay organisado sa mga 4 na mga grupo: agham panlipunan at humanidades; medikal na agham; natural na agham at matematika; at teknolohikal na agham.
Ayon sa Shanghai Rankings (ARWU), ang Unibersidad ng Belgrado ay nararanggo sa pwestong ika-201 at 300 sa buong mundo, para sa taong 2016. Sa taong 2014 ito ay nararanggo sa ika-151-200 pwesto sa larang ng matematika at pisika.
44°49′07″N 20°27′27″E / 44.8186°N 20.4575°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.