Unibersidad ng Cairo
Unibersidad ng Cairo | |
---|---|
جامعة القاهرة | |
Itinatag noong | 1908 |
Uri | Public |
Pangulo | Gaber Gad Nasar |
Academikong kawani | 12,158 |
Mag-aaral | 280,000 |
Lokasyon | , , |
Kampus | Urban |
Ang Unibersidad ng Cairo (Egyptian Arabic: جامعة القاهرة Gām'et El Qāhira, Ingles: Cairo University) ay ang pangunahing pampublikong unibersidad ng Ehipto. Ang pangunahing kampus nito ay sa Giza, na madaraanan sa Ilog Nilo mula sa Cairo. Ito ay itinatag noong 21 Disyembre 1908;[1] gayunpaman, matapos na maitayo ang iba't ibang bahagi ng pamantasan sa Cairo, ang mga fakultad nito ay sinimulang itatag sa kasalukuyang pangunahing kampus nito sa Giza noong Oktubre 1929. Ito ang ikalawang pinakamatandang institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Ehipto pagkatapos ng Al Azhar University, sa kabila ng pagkakaroon ng matagal nang umiiral na mga paaralang propesyonal na nang lumaon ay naging bahaging kolehiyo ng unibersidad. Ito ay itinatag at pinondohan bilang Pamantasang Ehipsyo sa pamamagitan ng isang komite ng mga pribadong mamamayan na may maharlikang patronahe noong1908 at naging isang institusyon ng estado sa ilalim ni Hari Fuad I noong 1925.[2] Noong 1940, apat na taon pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang Unibersidad ay palitan ng pangalan bilang King Fuad I University sa kanyang karangalan. Ito ay pinalitan ng pangalan sa pangalawang pagkakataon matapos ang Free Officer’s Coup noong 1952. Ang Unibersidad sa kasalukuyan ay may humigit-kumulang 155,000 mag-aaral sa 22 fakultad.[3] Tatlong alumni nito ay nagwagi ng Premyong Nobel Laureates at ang unibersidad sa 50 pinakamalaking institusyon ng mas mataas na edukasyon sa mundo ayon sa pagpapatala.