Unibersidad ng California, Riverside
ng Unibersidad ng California, Riverside (UCR o UC Riverside), ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik at isa sa mga 10 pangkalahatang kampus ng Unibersidad ng California Sistema. Ang pangunahing kampus ay nasa 1,900 akre (769 ha) na lokasyon sa Riverside, California, Estados Unidos, na may isang sangay na campus sa Palm Desert. Noong 1907 ang pinagmulang institusyon ng UCR ay itinatag bilang ang UC Citrus Experiment Station, Riverside na siyang nanguna sa pananaliksik sa biological pest control at paggamit ng growth regulators na responsable sa pagpapahaba sa panahon ng citrus sa California mula sa apat hanggang siyam na buwan. Ang ilan sa pinakamahalagang koleksyon ng pananaliksik nito ay sa citrus diversity at entomolohiya, pati na rin sa piksyong agham at potograpiya.
33°58′32″N 117°19′52″W / 33.975555555556°N 117.33111111111°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.