Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Chicago

Mga koordinado: 41°47′23″N 87°35′59″W / 41.7897°N 87.5997°W / 41.7897; -87.5997
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pangkasaysayang kutamaya ng Unibersidad ng Chicago
Tanawin mula sa Midway Plaisance

Ang Unibersidad ng Chicago (Ingles: University of Chicago) (UChicago, Chicago, o U of C) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Chicago, estado ng Illinois, Estados Unidos. Ang unibersidad, na itinatag noong 1890, ay binubuo ng isang undergradwadong kolehiyo, iba't-ibang mga programang panggradwado, at mga interdisiplinaryong komite na inorganisa sa limang dibisyong akademiko, anim na mga propesyonal na paaralan, at ang Graham School of Continuing Liberal and Professional Studies. Bukod sa sining at agham, ang Chicago kilala sa propesyonal nitong mga paaralan, kung saan kabilang ang Pritzker School of Medicine, Booth School of Business, Paaralan ng Batas, School of Social Service Administration, Harris School of Public Policy Studies, at ang Divinity School. Ang unibersidad sa kasalukuyan ay may humigit-kumulang 5,700 mag-aaral sa undergradwadong Kolehiyo[1] at 15,000 mag-aaral sa pangkalahatan.

Ang Unibersidad ng Chicago ay may pangunahing papel sa pag-unlad ng iba't-ibang mga pang-akademikong disiplina, kabilang ang:  Chicago school of economics, Chicago school of sociology, teoryang batas at ekonomiko sa pagsusuring legal, Chicago school of literary criticism, Chicago school of religion, at ang behavioralism school of political science.[2] Ang departamento ng pisika ay nakatulong bumuo ng unang reaksyong nukleyar na gawa ng tao sa mundo, sa ilalim ng Stagg Field sa loob ng kampus.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Students | University of Chicago Data | The University of Chicago". data.uchicago.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noong 2016-05-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hanson, John Mark. "Building the Chicago School" (PDF).
  3. Angelo, Joseph A. (Nobyembre 30, 2004). Nuclear Technology. Greenwood Press. p. 1. doi:10.1336/1573563366. ISBN 1-57356-336-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

41°47′23″N 87°35′59″W / 41.7897°N 87.5997°W / 41.7897; -87.5997