Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Guam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tanawin sa Central Campus
RFK Library sa takipsilim

University of Guam (Chamorro: Unibetsedåt Guåhan ; Ingles: University of Guam), o U.O.G., ay isang land-grant na institusyon na matatagpuan sa bayan ng Mangilao sa isla ng Guam sa Kanlurang Karagatang Pasipiko. Ito ay akreditado sa pamamagitan ng Western Association of Schools and Colleges at nag-aalok ng tatlumpung-apat na na mga programa sa andergradweyt at labing-isang masteral na programa.

Ang Unibersidad ay merong 3,387 mag-aaral, 91% sa mga ito ay merong etsinidad na Asyano-Pasipiko, at halos 69% ay full-time (ayon sa pigura ng 2008). Ang full-time na kaguruan na binubuo ng 180 miyembro ay sumusuporta sa misyon ng Unibersidad na "Ina, Diskubre, Setbe"— na kung saan isinasalin sa Filipino ay "Magliwanag, Magtuklas, at Maglingkod."

Itinatag ang Unibersidad noong 1952 bilang isang paaralan sa pagsasanay ng mga guro, sa pangalang Teritoryal na Kolehiyo ng Guam (Ingles: Territorial College of Guam), sa pamamagitan ni Gobernador Carlton Skinner.[1] Noong 1960, ang kolehiyo ay inilipat sa kasalukuyag kampus nito sa sentral na distrito ng Mangilao. Noong 1965, ang kolehiyo ay nagsimulang mag-alok ng apat-na-taong programa. Itinalaga ang Unibersidad bilang isang land-grant na institusyon ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1972.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fagan, Kevin (29 Agosto 2004). "Carlton Skinner -- broke racial barriers in Navy". San Francisco Chronicle. Nakuha noong 5 Mayo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)