Unibersidad ng Neuchâtel
Itsura
Ang Unibersidad ng Neuchâtel (UniNE) ay isang pamantasan sa wikang Pranses na nakabase sa Neuchâtel, Switzerland. Ang unibersidad ay may apat na fakultad (mga paaralan) at higit sa isang dosenang mga institusyon, kabilang ang sa sining at agham pantao, natural na agham, batas, at ekonomiks. Ang Faculty of Arts and Human Sciences, na may 2,000 estudyante, ang pinakamalaking paaralang bumubuo sa Unibersidad ng Neuchâtel.
Humigit-kumulang 4,000 mga mag-aaral, kabilang ang 600 mag-aaral sa PhD na dumadalo sa unibersidad, at higit sa 600 diploma, lisensya, doktorado, at sertipiko ang iginagawad bawat taon. Ang unibersidad ay may higit sa 1,100 empleado.