Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Peking

Mga koordinado: 39°59′23″N 116°18′19″E / 39.989722222222°N 116.30527777778°E / 39.989722222222; 116.30527777778
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Peking University West Gate, isa sa mga simbolo ng unibersidad campus

Ang Unibersidad ng Peking[1] (dinadaglat bilang PKU at kolokyal na kilala sa Tsino bilang Běidà 北大; Tsino: 北京大学, pinyin: Běijīng Dàxué; Ingles: Peking University), ay isang pangunahing unibersidad sa pananaliksik ng Tsina na matatagpuan sa Beijing (Peking) at isang miyembro ng C9 League. Ito ay ang unang modernong pambansang unibersidad na itinatag sa China, na itinatag bilang ang Imperial University of Peking noong 1898 bilang kapalit ng sinaunang Taixue o Guozijian, o Imperial Academy.[2] Ito rin ay nagsilbi bilang ang pinakamataas na pangangasiwa para sa edukasyon (ministri ng edukasyon) sa Tsina sa simula ng pagtataguyod nito.[3] Noong 1920, ito ay naging isang sentro para sa progresibong pag-iisip. Ang Unibersidad ay laging nairaranggo bilang ang nangungunang institusyon para sa mas mataas na pag-aaral sa kontinental na Tsina (mainland China).[4][5][6][7][8] Bilang karagdagan sa reputasyong akademiko, ang unibersidad ay lalong kilala sa pisikal na kampus nito,[9][10][11] at sa kagandahan ng mga tradisyonal na arkitekturang Tsino dito.[12]

Sa buong kasaysayan ng pamantasan, ang unibersidad ay nag-eduka sa maraming prominenteng mga palaisip na Tsino sa modernong panahon, kabilang na sina: Mao Zedong, Lu Xun, Gu Hongming, Mao Dun, Li Dazhao, at Chen Duxiu.[13] Ang Unibersidad ay impluwensyal sa pagkakapanganak ng Bagong Kilusang Pangkultura sa Tsina, Kilusang Mayo 4, ang mga pagpoprotesta sa Liwasan ng Tiananmen noong 1989 at maraming iba pang mga makabuluhang kaganapan.[14]

Ang Lawang Weiming, na matatagpuan sa gitang hilaga ng kampus
Isa sa mga gusali ng pangasiwaan kasama ang huabiao
Unibersidad sa panahon ng tagsibol
Isang tulay na bato sa loob ng kampus

Maraming mga pagraranggo sa loob ng bansa ang naglalagay sa Unibersidad ng Peking bilang isa sa mga nangungunang unibersidad sa Tsinang kontinental. Noong 2015, ang Chinese University Alumni Association sa pakikipagtulungan ng China Education Center ay itinuring ito bilang nangunguna ika-1 sa lahat ng mga pamantasang Tsino.

Kampus, sining at kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang isang pagganap ng Kunqu sa Unibersidad ng Peking

Noong 2008, niranggo ng THE-QS World University Rankings ang Unibersidad ng Peking bilang ang ika-23 pinakamahusay na unibersidad sa mundo sa sining at humanidades; ito rin ang pinakamataas na ranggong unibersidad mula sa Asya sa larangang ito.[15] Ang Peking ay niraranggo bilang ika-18 (2007 ranggo),[16] ika-10 (2006 ranggo),[17] ika-6 (2005 ranggo),[18] at ika-7 (2004 ranggo)[19] pinakamahusay na pamantasan ng sining at humanidades sa mundo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tinatawag ding Unibersidad ng Beijing (Ingles: Beijing University).
  2. "百度--您的访问出错了". Nakuha noong 14 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "History_Peking University". Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2015. Nakuha noong 15 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. www.chinaeducenter.com. "University in China. China Education Center". Chinaeducenter.com. Nakuha noong 2012-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "2009 China University Ranking". China-university-ranking.com. 2008-12-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-13. Nakuha noong 2012-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Univ ranking in China 200" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-09-10. Nakuha noong 2012-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "World University Rankings 2014-15". Times Higher Education. Nakuha noong 15 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "World University Rankings". Top Universities. Nakuha noong 15 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Francis Whittaker (Hulyo 14, 2011). "Most beautiful universities". MSN. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 4, 2013. Nakuha noong Pebrero 13, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Stirling Kelso (Setyembre 2012). "World's Most Beautiful Universities". Travel and Leisure. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "15 Of The World's Most Beautiful Universities Revealed". The Huffington Post UK. Hulyo 11, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "NUS PKU MBA - About Peking University - Overview". Nakuha noong 15 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Peking University - Mingren". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-04. Nakuha noong 2017-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Peking University". Encyclopædia Britannica. 2008-08-21. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "University rankings in the Arts and Humanities".
  16. "The world's top universities for arts and humanities 2007". Times Higher Education. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)
  17. "The world's top arts and humanities universities 2006". Times Higher Education. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)
  18. "The world's top arts and humanities universities 2005". Times Higher Education. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)
  19. "The world's top arts and humanities universities 2004". Times Higher Education. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)

39°59′23″N 116°18′19″E / 39.989722222222°N 116.30527777778°E / 39.989722222222; 116.30527777778