Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Pristina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Unibersidad ng Pristina (Albanes: Universiteti i Prishtinës; Ingles: University of Pristina) ay isang pampublikong institusyon para sa mas mataas na edukasyon na matatagpuan sa Pristina, Kosovo. Isa sa mga tagapagmana ng makasaysayang Unibersidad ng Pristina, ito ay binubuo ng 14 mga fakultad na matatagpuan sa Pristina at tatlong sangay sa iba pang mga lungsod ng Kosovo. Nakapaloob sa sagisag ng unibersidad ang isang pagsasalin ng pangalan nito sa Latin, Universitas Studiorum Prishtiniensis.

Ang Unibersidad ng Pristina ay isang institusyon na may midyum na wikang Albanian. Itinatag ito matapos ang Digmaaan ng Kosovo noong 1999. Inookupa nito ang kampus sa Pristina, Kosovo, na nagsisilbing pangunahing unibersidad sa bansa. Ito ay miyembro ng European University Association. Ito ay nagpapanatili ng kontak sa mga pamantasan at institusyon sa Kanlurang Europa at Amerika.

Humigit-kumulang 3,000 mag-aaral na makatanggap ng bachelor's o master's degree bawat taon sa Unibersidad ng Pristina, ang karamihan sa mga agham panlipunan at pantao. Higit sa 50,000 ang mga nagtapos mula sa unibersidad mula nang ito ay maitatag.

Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.