Unibersidad ng Quebec sa Montreal
Ang Unibersidad ng Quebec sa Montréal (Pranses: Université du Quebec à Montréal, UQAM) ay isang pampublikong unibersidad sa Montreal, sa lalawigan ng Quebec, Canada. Ito ay isang pamantasang Pranses at ang pinakamalaki sa lahat ng mga institusyon sa loob ng sistemang Unibersidad ng Quebec.
Ang UQAM ay itinatag noong Abril 9, 1969 ng pamahalaan ng Quebec, sa pagsasanib ng École des Beaux Arts-de Montréal, isang paaralan sa pinong sining; Collège Sainte-Marie, isang kolehiyong klasikal; at ilan pang mas maliliit na paaralan.
Ito ay isa sa dalawang pamantasang Francophone sa Montreal, kasama ng Unibersidad ng Montréal, at 1% lamang sa mga mag-aaral nito ay may pinagmulang Anglophone.
45°30′50″N 73°33′37″W / 45.5139°N 73.5603°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.