Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Rostock

Mga koordinado: 54°05′17″N 12°08′00″E / 54.088133°N 12.133372°E / 54.088133; 12.133372
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pangunahing gusali ng Unibersidad ng Rostock
Detalye ng gitnang gusali na naglalarawan sa kutamaya ng Mecklenburg-Schwerin

Ang Unibersidad ng Rostock (Aleman: Universität Rostock) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Rostock, Mecklenburg-Vorpommern, Alemanya. Itinatag noong 1419, ito ang pangatlong pinakamatandang unibersidad sa Alemanya. Ito rin ang pinakamatanda at pinakamalaking unibersidad sa kontinental na hilagang Europa at ang erya ng Dagat Baltic Sea, at ika-8 pinakamatanda sa Gitnang Europa. [1] Ito ang ika- 5 unibersidad na itinatag sa Banal na Imperyong Romano.

Ang unibersidad ay nauugnay sa limang nagwagi ng premyong Nobel, kabilang sina Albrecht Kossel, Karl von Frisch, at Otto Stern, gayundin ang mga pisikong teoretikal na sina Pascual Jordan, Walter H. Schottky. Ito ay isang miyembro ng European University Association. Ang wika ng pagtuturo ay karaniwang Aleman, ngunit Ingles para sa pag-aaral na postgrado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Prague (1348), Kraków (1364), Vienna (1365), Pécs (1367), Heidelberg (1386), Cologne (1388), Leipzig (1409), Rostock (1419).

54°05′17″N 12°08′00″E / 54.088133°N 12.133372°E / 54.088133; 12.133372 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.