Unibersidad ng Timog Dakota
Ang Unibersidad ng Timog Dakota (Ingles: University of South Dakota), na kilala rin sa impormal na pangalang USD) ay isang pampubliko at koedukasyonal na unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa maliit na bayan ng Vermillion, estado ng Timog Dakota, Estados Unidos. Ang USD ay itinatag ng lehislatura ng Teritoryong Dakota noong 1862, 27 taon bago ang pagtatatag ng estado ng Timog Dakota (ang unang klase ay ginanap noong 1882 sa Clay County Courthouse),[1] Ang USD ay ang pinakamatanda sa mga pampublikong unibersidad ng estado.
Ang Unibersidad ay tahanan ng nag-iisang paaralan ng medisina, batas, at akreditadong paaralan ng negosyo sa buong Timog Dakota. Ito ay din tahanan ng Pambansang Museo ng Musika, kung saan nakadispley ang may higit sa 15,000 instrumentong Amerikano, Europeo, at di-Kanluranin.[2] Ang USD ay pinamamahalaan ng South Dakota Board of Regents. Ang unibersidad ay kinikilala sa pamamagitan ng akreditasyon ng North Central Association mula pa noong 1913. Siyam sa mga alumno ng unibersidad ay pinili bilang Rhodes Scholars;[3] Si Ernest Lawrence, B. A. 1922, ay nakatanggap ng 1939 Gantimpalang Nobel sa Pisika.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "USD 150th Anniversary - University of South Dakota". usdalumni.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-25. Nakuha noong Setyembre 24, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "University of South Dakota". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2014. Nakuha noong Hulyo 28, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rhodes Scholars" (PDF). Nakuha noong 15 Pebrero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
nan°S nan°W / -nan°N -nan°E{{#coordinates:}}: hindi katanggap-tanggap na latitud