Unibersidad ng Uppsala

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Uppsala University
Uppsala universitet
Uppsala University seal.svg
150px
Latin: Universitas Regia Ubsaliensis
Sawikain Gratiae veritas naturae (Latin)
Sawikain sa Ingles Truth through the grace of God and through nature
Itinatag noong 1477
Uri Public university
Badyet SEK 5.9 billion[1]
Rectrix magnifica and Vice Chancellor Professor Eva Åkesson[2]
Academic staff 1,841
Admin. staff 6,505[1]
Mag-aaral 41,470[3]
Undergraduates 18,733[1]
Postgraduates 5,153[1]
Doctoral students 2,427[1]
Lokasyon Uppsala, Sweden
Kampus Urban
Mga Kulay          
Maroon, white
Apilasyon Coimbra Group
EUA
Matariki Network of Universities
Websayt www.uu.se
250px
University Hall

Ang Unibersidad ng Uppsala (Suweko: Uppsala universitet; Ingles: Uppsala University) ay isang pamantasan para sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Uppsala, Sweden, at ang pinakamatandang unibersidad sa Sweden at sa buong Nordiko, na itinatag noong 1477.[4] Ito niraranggo bilang isa sa mga pinakamahusay na mga unibersidad sa Hilagang Europa.[5] Ang unibersidad ay may sawikaing "Gratiae veritas naturae" bilang nito salawikain at niyayakap ang mga natural na agham.

Ang Uppsala ay kabilang sa Coimbra Group ng mga pamantasang Europeo. Ang unibersidad ay may siyam na fakultad na nakakalat sa tatlong "pandisiplinang dominyo". Ito ay merong 24,000 full-time na mag-aaral at 2,400 mag-aaral sa antas doktoral.

Mga Fakultad[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa pamamagitan ng paghahati ng mga fakultad at pagdagdag sa dati independiyenteng paaralan ng Parmasya bilang isang bagong fakultad, ang tradisyonal na organisasyong may apat na fakultad na pangkaraniwan sa mga pamantasang Europeo ay lumaki sa kasalukuyan siyam na fakultad:

  • Ang pandisiplinang dominyo ng mga Sining at Agham Panlipunan kabilang ang Fakultad ng Sining*, ang Fakultad ng Agham Panlipunan*, ang Fakultad ng Wika*, ang Fakultad ng Teolohiya, ang Fakultad ng Batas at Fakultad ng Agham Pang-edukasyon (dating Kagawaran ng Edukasyon, na iniangat sa estado ng isang fakultad noong 2002).
  • Ang pandisiplinang dominyo ng Medisina at Parmasiya kasama ang Fakultad ng Medisina at Fakultad ng Parmasiya. Ang Fakultad ng Parmasiya ay orihinal na isang independiyenteng "royal institute" sa Stockholm, na inilipat sa Uppsala at ininkorpora sa ang unibersidad sa pagitan ng 1968 at 1972.
  • Ang pandisiplinang dominyo ng Agham at Teknolohiya na kabilang lamang ang Fakultad ng Agham at Teknolohiya.* Ang mga programa sa enhinyeriya mula 1982 ay minamarket bilang Uppsala School of Engineering (Uppsala Tekniska Högskola). Magkagayunpaman, ito ay hindi kailanman naging isang hiwalay na institusyon, ngunit isa lamang yunit sa loob ng Fakultad ng Agham at Teknolohiya at ang paggamit ng terminong ito ay tuluyang nang inabandona pagkatapos pangalanan ang Fakultad ng Matematika at Likas na Agham bilang Fakultad ng Agham at Teknolohiya noong dekada '90.

Nakapaloob din sa sistema ng Unibersidad ng Uppsala ang Forum for South Asia Studies, isang kolaboratibong akademikong pagsisikap ng anim na fakultad: Teolohiya, Batas, Kasaysayan at Pilosopiya, Agham Panlipunan, Wika, at Agham Pang-edukasyon Agham. Ang Forum ay naglalayong i-promote ang pananaliksik at edukasyon sa mga temang may kaugnayan sa mga bansa sa Timog Asya: India, Pakistan, Sri Lanka, Nepal, Bangladesh, Maldives at Afghanistan, sa nasyonal at internasyonal na antas.[6]

Fakultad ng Batas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Fakultad ng Batas (Juridiska fakulteten) ay isa sa mga pinakamatanda sa mga bansang Nordiko bansa at umiral bago ang 1477 (ang taon kung kailan itinatag ang Unibersidad ng Uppsala).

Harding botanikal ng Unibersidad ng Uppsala
Gusali sa Campus Polacksbacken

Mga pagraranggo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Unibersidad ng Uppsala ay naitatampok sa maraming mga pagraranggo.[7]

Ranggo (taon) Mundo Ranggo European Ranggo Pambansang Ranggo
Academic Ranking of World Universities (2014)

[8]

# 60 # 18 # 2
QS World University Rankings[9] (2012) # 81 # 29 # 2
Times Higher Education (2014/2015)[10] # 98 # 32 # 3
Times Higher Education (2015/2016)[11] # 81 # 2
QS World University Rankings (2015/2016)[12] # 102 # 3
Academic Ranking of World Universities (ARWU) (2015)[13] # 61 # 2

Mga tala at mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]