University College Dublin
Ang University College Dublin (karaniwang tinutukoy bilang UCD) (Irlandes: An Coláiste Ollscoile, Baile Átha Cliath) ay isang research university sa Dublin, Ireland. Ito ay may higit sa 1482 guro at 32,000 mag-aaral,[1] at ito ang pinakamalaki sa Ireland. Ang university ay nagmula sa isang samahang itinatag noong 1854 (ang Katolikong Unibersidad ng Ireland) kung saan si John Henry Newman ang siyang naging unang rektor, nireporma ito noong 1880 at nagkaroon ng sariling tsarter noong 1908. Ang Universities Act, 1997 ang nagtakda ng bagong pangalan ng unibersidad bilang "National University of Ireland, Dublin", at kasunod namang ministeryal na kautusan noong 1998 ang nagpalit sa opisyal na pangalan ng institusyon bilang "University College Dublin - National University of Ireland, Dublin".[2]
Ang University College Dublin ay madalas na nabibilang sa mga nangungunang unibersidad sa Europa.[3] May lima itong Nobel Laureates na mga alumni at kasalukuyan at dating kawani.[4] Sa 2016 QS World University Rankings, ang UCD ay ika-176 sa buong mundo, at nasa ika-151-200 para sa employabilidad.[5]
Sa isang ulat na nailimbag noong Mayo 2015, pinapakita na ang kabuuang pang-ekonomiyang output ng UCD at ng mga mag-aaral nito sa Ireland ay aabot sa €1.3 bilyon taun-taon.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "About UCD". Nakuha noong 3 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History of the NUI". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Enero 2019. Nakuha noong 3 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Top Universities Worldwide". Nakuha noong 23 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nobel Prize Winners". Nakuha noong 12 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.topuniversities.com/universities/university-college-dublin#wur
- ↑ "UCD contributes €1.3 Billion annually to Irish economy, report shows". Nakuha noong 3 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
53°18′27″N 6°13′11″W / 53.3076°N 6.21981°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.