Pumunta sa nilalaman

Usapan:Arcadio Maxilom

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pareng Sky Harbor, napansin kong mas pinapaboran mo ang bigkas na au kaysa aw para sa salitang awtoridad dahil sa ito ay ang "karaniwang paggamit." Gusto ko lang sanang ipaalam na ang karaniwan ay hindi kapareho ng tama.

Sa pagkakaalam at natutunan ko, sa palabaybayan ng ating wika ang dalawang patinig na magkadikit ay binibigkas nang may impit sa gitna. Pati na rin mismo sa binagong edisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino, ang salitang Kastilang autoridad, na binibigkas na [awtoɾi'ðað] ayon sa ponolohiya ng wikang iyon, ay binabaybay na awtoridad.

Hindi ko na isisingit dito ang kaso ng eu na ibang isyu na. Ang mahalaga ay na ang awtoridad ang nakatala sa diksiyonaryo ng UP.

Wala akong intensiyong baguhin ang mga tuntunin ng ating wika. Sumusunod lamang ako sa mga itinakda nang tuntunin ng KWF at ng mga naunang lingguwista ng wikang pambansa noong panahon pa mismo ng Komonwelt.

Sana naman, pare, maunawaan mo. Salamat ulit sa tulong mo, hindi lang sa akin, kundi sa buong proyektong ito. --Pare Mo 11:14, 25 Agosto 2010 (UTC)[tugon]

Magandang Araw! Maging ako ay napapatanong sa mga dapat nating sunding alituntunin. Mayroon nga ba tayong mapagkukunan, websayt o kahit anung mapagkukunan ng mga alituntunin katulad ng ganito na maaaring makita sa internet. Mangyari kasing wala rin naman akong sipi ng UP Diksiyonaryong Filipino. Magkagayunman salamat na rin sa pag-ungkat ng usaping ito. Maganda nga yaong napapaunlad natin ang ating kaalaman hindi lang para sa ating sarili kundi para na rin sa proyektong ito. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 15:17, 25 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Magandang hapon! Website, mukhang wala e. Gayumpaman, napakalaking tulong ang pag-upload ni Sky Harbor ng opisyal na Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng KWF; ito rin ang pangunahing basehan ko sa pagbaybay, paghiram, atbp. Ang pangalawa ko namang basehan ay ang ikalawang edisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino--pangalawa lamang sapagkat tuwing may di-pagkakapareho, pinapairal ko ang mga tuntunin ng KWF, dahil sila nga naman ang opisyal na regulador. Pero, sa tingin ko, 'pag walang kopya ng diksyonaryo ng UP, sasapat na rin ang opisyal na Gabay ng pamahalaan. --Pare Mo 07:08, 26 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Ngayon ko lang nalaman na mayroon palang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa dito. Malaking tulong ito. Paglalaanan ko ito ng panahon para mabasa. Salamat sa pagbanggit nito rito. :) -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 07:14, 26 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Walang anuman! --Pare Mo 07:28, 26 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Kung tutuusin, walang nakalagay sa 2008 Ortograpiya ukol sa impit. Gayunpaman, sa pagkaalam ko, kung makikinig tayo sa paggamit ng wikang Filipino (o Tagalog batay sa gamit dito sa Maynila), mas karaniwan ang bigkas-O (dahilan kung bakit may alternatibong pagbaybay ng salita: otoridad) kaysa sa bigkas-AW, kapag ito ay ang unang pantig. Hindi ako gaanong sigurado naman sa mga lalawigan. --Sky Harbor (usapan) 07:35, 26 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Pare, wala ngang nakalahad nang kategoriko sa Gabay hinggil sa mga impit, pero malinaw na binabaybay nila ang katutubong salita para sa sun bilang araw at hindi arau o aro at ang tofu bilang tokwa at hindi tokua. Malinaw rin na awtoridad, Awstralyano, atbp. ang nakatala sa edisyong 2010 ng diksyonaryo ng UP. Ito rin ang itinurong baybay sa aming mga paaralan. Ito rin ang lohikong baybay kung titingnan ang pagpapantig sa pinagkuhanang Kastila. Ito ang dahilan kung bakit ko ibinaybay ang awtoridad nang paganiyan: sumusunod lamang ako sa batas, sa akademya, at sa matagal nang itinuro sa akin.
Hindi ko rin itinatanggi na lehitimong bigkas ang [o] para sa aw (at pati man sa au tulad ng sa kaumagahan [koːma'gahan], atbp.). Mapapansin din ito sa pagbigkas ng ai bilang [ɛː] o ay bilang [ɛ]. Hindi itinatanggi ng baybay na aw ang bigkas na [o], tulad ng di-pagtanggi ng baybay na kailangan sa bigkas na [kɛː'laŋan] o ng mayroon sa ['mɛroːn]. --Pare Mo 03:24, 27 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Mga pare, napulot ko ito kagabi: http://www.sawikaan.net/ulat_hinggil.html. Ito ang mga pinagkasunduang tuntuning pambaybay na bunga ng isang serye ng mga talakayan mula 2005 hanggang 2006. Parehong nakilahok ang KWF at UP dito. Bagaman may ilang kaibahan ang mga tuntuning napagkasunduan kaysa doon sa Gabay na inilabas ng KWF noong 2008 at mukhang mas pinapaboran na ng edisyong 2010 ng diksyonaryo ng UP ang paggamit ng j kaysa dy (tulad sa kaso ng jaket), makakatulong din ito sa atin dito sa proyektong ito.
Hinggil naman sa diptonggong aw, hindi naiiba ang tuntunin dito sa siyang sinusundan ng diksyonaryo ng UP. --Pare Mo 02:31, 28 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Magandang Araw! Maraming Salamat sa paghahanap at pagbabahagi rito ng iyong nahanap na url. Malaki ang kompyansa ko na malaki ang maitutulong nito. Muli maraming salamat! :) -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 02:44, 28 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Hindi lamang ang UPDF ang pangunahing diksiyonaryong gamit natin dito sa Wikipedia: ayon sa kasalukuyang patakaran, mga 16 diksiyonaryo ang kasalukuyang tinatanggap bilang sangguniang pangwika, at maaari pa itong madagdagan. Dagdag sa iyon, mahalaga rin ang spoken convention sa paghubog ng patakarang ito. Kanina lang sa TV Patrol, ginamit ng mamamahayag na nag-uulat tungkol sa pagbibihag ng bus sa Maynila na naganap noong Lunes ang salitang pinagdedebatihan natin ngayon na ang pagbigkas ay otoridad. Ilan sa mga kumbensyong gamit ng Filipinas Institute of Translation (na may kaugnayan sa Kagawaran ng Filipino ng UP Diliman) at ng UP mismo ay hindi katanggap-tanggap sa KWF, lalo na sa sambayanan: halimbawa, ang preskripsyon na Filipinas sa halip na Pilipinas ay hindi tinanggap ng sambayanan maliban sa ilang larangan sa akademya.
Tandaan natin na hindi tayo lingguwistiko at dapat hindi tayo dapat nakikialam sa mga responsibilidad ng regulador. Gayunpaman, tandaan rin natin na ang trabaho ng Wikipedia ukol sa wika ay dapat ginagamit natin ang opisyal na preskripsiyon kung mayroon at hindi tayo regulador ng wika (kahit kung masasabi natin na mala-regulador na rin tayo dahil sa maraming reklamo hinggil sa "kalaliman" ng wikang gamit natin dito). Masasabi ko lang dito ang to each his own, tulad ng pagtanggap sa Wikipedia ng iba't-ibang uri ng Ingles. --Sky Harbor (usapan) 11:32, 28 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Kung to each his own nga talaga ang susundan, ibig sabihin nito ay maaari na rin nating panatilihin ang gamit ng aw sa Arcadio Maxilom sa kung saan pang mga artikulo kung saan ito ginamit. Isa pa, tulad ng nabanggit ko, hindi itinatanggi ng baybay aw ang bigkas [o] sa spoken convention. Kaso, ang au naman ay binibigkas nang [aʔu] sa careful speech. Ibig sabihin nito higit na lehitimo ang baybay na aw para sa diptonggong [aw] sapagkat kapuwa niyang tinatanggap ang mga bigkas na [aw] at [o] at 'di nauuwi sa bigkas na [aʔu].
Ngunit 'di ko na ipipilit ang baybay na ito sa iba pang mga artikulo, kahit ba ito ang baybay na buong-buhay kong ginamit at na sa tingin ko, ng KWF (araw), at ng UPDF (awtoridad, Awstralyano) ay higit na lehitimo. To each his own nga, 'di ba?
Hanggang ngayon ay 'di mo pa rin tinutugunan ang puntong ito--ang paggamit ng aw--na siyang ugat ng usapang ito. Kung mali pa rin ang baybay aw sa paningin mo, ay pababayaan ko nang gamitin ang au sa artikulo ni Maxilom; 'di ko ito gagalawin. Kung tama, sana'y pahintulutan mo na sa wakas ang gamit ko ng aw doon. --Pare Mo 03:34, 31 Agosto 2010 (UTC)[tugon]
Ipinalit ko lang ito sa au dahil ito rin ay may sanggunian: ayon sa English-Tagalog Dictionary ni Padre Leo James English, ang salin ng "authority" ay autoridad, na nakatala rin ang awtoridad bilang deribasyon nito. Iyan ang aking nakasanayan. Ngunit alam ko rin na iba ang nakasanayan ng mga ibang mga tagagamit dito, kaya dapat lang nating pahintulutan ang paggamit ng ibang mga estilo ng pagsusulat. Gayunpaman, kahit kung pahihintulutan natin ang mga kaibahan dito, dapat rin may nakatakdang mga patakaran tayo sa kung ano ang gagawin natin sa mga ibang pagbabaybay, na hindi pa natin naitatakda. Oo, to each his own nga, pero may nakatakdang patakaran tayo upang magawa nating unipormado ang balarila at pagbabaybay dito. Iba pa rin ang kaso ng aw sa gitna at dulo ng salita: tanggap ang awaw at bitaw sa halip na arao at bitao na dating nakasanayan ng mga naturuan ng abesedaryo. Iba naman dito ang kaso ng aw sa simula, kung saan ang karaniwang kumbensiyon ngayon ay bigkas-O sa halip na bigkas-AW, at kung saan hindi nararapat ang pagbaybay gamit ng aw dahil maaaring ikalito nito ng mambabasa (tandaan: ayon sa patakaran ng KWF, bigkas-sulat-basa ang dapat nating sundin) at ibibigkas niya ang salita nang mali.
Hindi ako narito upang pilitin ang aking kumbensiyon sa ibang mga tagagamit, at malayang gumamit ng sariling kumbensiyon ang tao basta ito ay sumusunod sa batayang kumbensiyong itinadhana ng regulador (ang KWF). Nagiging tulad ito sa debate noon sa salitang arkibo at artsibo na naganap dito: ang arkibo na ginamit dito dahil ito ay ang nakasanayan ay tumanggi sa artsibo na ginamit ng WikiFilipino dahil sumusunod sila sa UPDF (na sinusundan rin dito, ngunit ang impluwensiya nito ay nilalabnawan ng paggamit ng ibang mga diksiyonaryo). Sa huli, sinang-ayunan naming gamitin ang sinupan dahil ito ay nakita sa ibang diksiyonaryo (sa New Vicassan's yata). Kung gayon, baka palitan ko na lang ang salita sa pamunuan para wala nang alitan ukol rito. --Sky Harbor (usapan) 04:09, 31 Agosto 2010 (UTC)[tugon]