Usapan:Dagat Timog Tsina
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Dagat Timog Tsina. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " South China Sea " ng en.wikipedia. |
Hiwalay na artikulo?
[baguhin ang wikitext]“ | In the Philippines, Malaysia, and Indonesia it was long called the "South China Sea" (Dagat Timog Tsina in Tagalog, Laut China Selatan in Malay), with the part within Philippine territorial waters often called the "Luzon Sea", Dagat Luzon, by the Philippines. | ” |
— en:South China Sea |
Kailangan ba na ihiwalay ang artikulo ng Dagat Luzon sa Timog Dagat Tsina dahil hindi pareho ang saklaw ng dalawang napangalanang dagat? --bluemask (makipag-usap) 04:32, 13 Setyembre 2012 (UTC)
- Parang oo. Kung tutuusin, ayon sa Kautusang Pampangasiwaan Blg. 29 na inatas kamakailan lang ni Pangulong Aquino, ang bahagi ng Dagat Timog Tsina na nasa loob ng Pilipinas lamang ang tatawaging "Dagat Kanlurang Pilipinas". Sa pagkakaalam ko, ang dagat na umiiral sa labas ng EEZ ng Pilipinas ay tutukuyin pa ring "Dagat Timog Tsina". --Sky Harbor (usapan) 04:42, 13 Setyembre 2012 (UTC)
Heto ang bahagi ng AO 29, s. 2012 na magagamit natin sa usapan:
“ | Section 1. The maritime areas on the western side of the Philippine archipelago are hereby named as the West Philippine Sea. These areas include the Luzon Sea as well as the waters around, within and adjacent to the Kalayaan Island Group and Bajo De Masinloc, also known as Scarborough Shoal. | ” |
— NAMING THE WEST PHILIPPINE SEA OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, AND FOR OTHER PURPOSES, Administrative Order No. 29, s. 2012 |
Nangangahulugan na iba-iba ang saklaw ng Dagat Luzon, Kanlurang Dagat Pilipinas, at Timog Dagat Tsina. May mapa kaya na pwede nating gamitin na batayan para makita ang saklaw ng 3 dagat na ito? --bluemask (makipag-usap) 05:05, 13 Setyembre 2012 (UTC)
- Maaari bang tanungin dito ang NAMRIA? Tutal naman, sila ang gagawa at lilimbag ng mga mapa.
- Sa pagkakaalam ko, saklaw ng "Dagat Luzon" (ang artikulong ito) ang bahagi ng Dagat Timog Tsina na bahagi ng Pilipinas, maliban sa bahaging pinapaligiran ng Bajo de Masinloc/Kulumpol ng Panatag at ng Kapuluan ng Kalayaan. Saklaw naman ng "Dagat Kanlurang Pilipinas" ang sinasaklawan ng Dagat Luzon kasama ang bahaging pinapaligiran ng dalawa (lahat ng Dagat Timog Tsina na nasa loob ng EEZ ng Pilipinas), at ang "Dagat Timog Tsina" ang buong dagat mismo. --Sky Harbor (usapan) 05:14, 13 Setyembre 2012 (UTC)
Alam ko ang Dagat Luzon ay yung karagatan sa kanluran ng Pulo ng Luzon lamang... iba ito sa Dagat Kanlurang Pilipinas na tumutukoy sa buong karagatan ng Kanlurang Pilipinas at sa Dagat Timog Tsina na tumutukoy naman sa buong karagatan sa pagitan ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Tsina... Jumark27 (makipag-usap) 05:54, 9 Oktubre 2015 (UTC)