Usapan:Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Untitled section
[baguhin ang wikitext]Ang Kasulatan na nakalimbag sa tanso ng ika-9 na siglo pulo ng luzon- ang paksang ito ay dating kilala sa sulat sa tanso sa wikang tagalog at "laguna copperplate inscriptions" sa wikang inggles.Ang kasulatang ito ay natagpuan sa baybayin ng lawa ng laguna taong 1989 at nagpasalisalin sa kamay ng ibat ibang mga tao hanggang makarating sa "philippine national musuem".Sa pagkakataong ito ay nakita at nabasa ito ng mga pilipino at dayuhan na nagbigay daan upang maihayag ang tunay na nilalaman ng kasulatan sa wikang mauunawaaan ng mga mambabasa.ang pagkakaroon ng mga salita at pangalan na katunug ng sanskrito at kawi ay isang malinaw na palatandaan na Ang sinaunang mga lipunan sa luzon ng ika- 9 na siglo ay may masiglang pakikipag ugnayan sa indya at mga karatig bansa sa timog silangang asya.Sa kabuoan ng panibagong pagsasalin nito sa wikang tagalog,natuklasan na ang wikang nakalimbag na nasa kasulatang tanso ay isang matandang uri at anyo ng wikang tagalog na masasabing harapang pinagmulan ng kasalukuyang wikang tagalog sa bansang pilipinas.Narito ang bagong salin sa wikang tagalog ng "laguna copperplate inscriptions" na naibatay sa pagkakatulad ng mga sinaunang salita nito sa kasalukuyang tagalog ng lalawigan ng kavite at batanggas o tinaguriang "Timog katagalugan" sa pulo ng luzon. (ANG KASULATAN NA NAKALIMBAG SA TANSO NG IKA-9 NA SIGLO,PULO NG LUZON) Sumaatin ang kabutihan ng taong 822 at iwaksi ang kasamaan sa tulong ng iisang Dios natin.Ang bagay na ito ay kinasulatan ng paksa patungkol sa paglaya sa tanikala ng danio nila dayang angkatan at ng kamag anak nitong ang ngalan ay si bukah,sila ay pawang mga anak ni huwarang namwaran.Sinabing napawi na ang kanilang danio dahil sa pagsunud nila sa patakaran ng pagsasauli nito sa isang taong may pamagat o katungkulan,at narito nagsidalo sa pinagkasunduang pulong ang mga bihasa at pantas na mga tao na taga tundun at gayon din ng nayakag na huwarang tao ng pailah na si jayadewa.Sa kaganapang naitala, itong si huwarang namwaran dangan at may kakayahan siya ay sumangayon na umalpas sa pagkakautang kung kayat walang inda siyang nagpawala ng halagang 1 kati at walong suwarna bilang kabayaran sa harapan ng nayakag na huwarang tao ng puliran na si kasumuran.Sa pagkakataong ito ay tinanggap ng huwarang tao ng pailah ang kaukulang upa sa paglilingkod sa ganang kaniya.Ang nayakag na huwarang tao na si binwangan ay binayaran upang gampanan ang pagpapawala ng bisa ng tanikala ng pagkakaalipin ng mag anak dahil sa nabanggit na danio nila sa taong may katungkulan na si gat dewata.Ito namang isang tao na may katungkulan din na si gat medang ay nabayaran din upang madaliang maipabatid ang ulat na ito ng paghulug ng lubus na bayad sa utang sa nabanggit na gat dewata.kaya sa makatuwid ay nasabi nila na dahil pinagukulan ng panahon na lutasin ang usaping ito,ang kalayaan ng mag anak ay nagkaroon ng katuparan.Sa ginawang pagsunud ni huwarang namwaran sa patakaran ng pag sasauli ng hiniram ay napawing lubus ang lahat niyang bayarin.Siya na nga ang pagkakautang ni huwarang namwaran sa taong may katungkulan na si gat dewata.Ito nga kung sakali na may sumiyasat at magbigay ng kakaibang sapantaha dahil pasikat na di naman kayu maaari diyan at ipagsabi sa iba pang mga taong kadadaan lamang na walang umalpas sa pagkakautang at itong si huwarang.