Usapan:Kalye Zobel Roxas
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Kalye Zobel Roxas. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Zobel Roxas Street " ng en.wikipedia. |
Mabilisang pagbura
[baguhin ang wikitext]Hi @JWilz12345:, hindi ko tinanggap ang mabilisang pagbura ng artikulong ito kahit pa na binura siya sa Wikipediang Ingles. Sa tingin ko, isa siyang mahalagang kalye dahil nasa hangganan siya ng Makati at Maynila at kilala ang kalye sa mga junk shop o tindahan ng lumang bagay na narito. Tingnan mo ang mga sanggunian ito: [1] [2] Tandaan na ang buburahin ay mahalagang artikulo tungkol sa isang paksa may kaugnayan sa Pilipinas. Maaring walang notabilidad ito sa Wikipediang Ingles subalit mayroon dito. Kung naniniwala ka pa rin na dapat burahin ito, puwede na imungkahi mo ang pagbura nito, tulad ng ginawa mo sa Wikipedia:Mga artikulong buburahin/Kalakhang Laguna. Ito upang mahingan ng iba pang opinyon ang iba pang patnugot dito sa Wikipediang Tagalog. Salamat. --Jojit (usapan) 06:23, 27 Mayo 2024 (UTC)
- @Jojit fb kung kinakailangan ng AfD dito, sana magkaroon ng tool na ala-w:en:WP:TWINKLE, dahil mahirap gumawa ng AfD page (since cellphone ang kadalasang gamit ko sa pag-eedit / pag-aambag ng mga Wikimedia site. JWilz12345 (Kausapin|Mga kontrib.) 06:33, 27 Mayo 2024 (UTC)
- Hindi ko prayoridad ang paggawa niyan. At tingin ko, 'yung ibang tagapangasiwa ay hindi gagawin 'yan kasi bihira lamang ang humihiling ng pagbura sa pamamagitan ng AFD. May alternatibo naman sa ngayon, puwedeng ihain ang pagbura sa Kapihan at maari namang ilipat ang paghain ng isang tagapangasiwa (maaring ako) bilang pahinang AFD. --Jojit (usapan) 06:53, 27 Mayo 2024 (UTC)