Usapan:Pandemya ng COVID-19
Itsura
(Idinirekta mula sa Usapan:Pandemya ng coronavirus ng 2019–20)
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Pandemya ng COVID-19. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " 2019–20 Wuhan coronavirus outbreak " ng en.wikipedia. |
Maari nga pong mabago ang pahinang ito dahil sa pag-usad ng birus hatid ng COVID-19.Ivan P. Clarin (makipag-usap) 03:24, 11 Marso 2020 (UTC)
Ilipat ang pamagat
[baguhin ang wikitext]Maganda siguro kung ilipat natin ang artikulong ito sa Pandemyang coronavirus ng 2019–20, para mabawasan ang paggamit ng "ng". Tutal, ang coronavirus naman ang naglalarawan sa pandemya eh, kaya angkop ang bagong pangalan sa tingin ko. Pandakekok9 (makipag-usap) 05:01, 1 Mayo 2020 (UTC)
- Sang-ayon ako rito (para umikli nang konti ang pamagat). Tagasalinero (makipag-usap) 05:22, 1 Mayo 2020 (UTC)
- Bakit hindi na lang natin sundin ang pamagat ng artikulo sa Ingles na Wikipedia: en:COVID-19 pandemic? Kung sang-ayon kayo, maaring maging "Pandemya ng COVID-19" ang pamagat. Una, ang pandemya ay tumutukoy sa mga sakit at hindi sa mga virus kaya hindi tama ang "pandemya ng coronavirus" o "pandemyang coronavirus"; dapat "pandemya ng COVID-19". Pangalawa, iisa (pa) lamang ang pandemya ng COVID-19 kaya't hindi na kailangan pa ang "ng 2019–20" sa pamagat. —seav (makipag-usap) 07:16, 5 Mayo 2020 (UTC)
- @Seav: Mas maganda yung suhestyon mo. Though baka puwede rin pandemyang COVID-19. @Tagasalinero: Anong masasabi mo rito? Pandakekok9 (makipag-usap) 11:18, 5 Mayo 2020 (UTC)
- Mas maganda nga ang suhestyon ni @Seav: na gamitin ang "COVID-19" sa halip ng "coronavirus", ngunit kung puwede sana "Pandemyang COVID-19" na lang ang pamagat. Bukod sa mas maikli ito, wasto naman siya dahil naglalarawan ang COVID-19 sa salitang pandemya katulad ng sinabi @Pandakekok9: Tagasalinero (makipag-usap) 06:04, 6 Mayo 2020 (UTC)
- @Seav: Mas maganda yung suhestyon mo. Though baka puwede rin pandemyang COVID-19. @Tagasalinero: Anong masasabi mo rito? Pandakekok9 (makipag-usap) 11:18, 5 Mayo 2020 (UTC)
- Sang-ayon sa paglipat ng pamagat. Maaring pandemya ng COVID-19 o pandemyang COVID-19. Bagamat mas-pumapanig po ako sa ikalawa, alinsunod sa hakbang ni @Sky Harbor: sa Palitang Smart Connect (na sinimulan ko noon bilang "Palitan ng Smart Connect"). JWilz12345 (Kausapin|Mga kontrib.) 14:31, 10 Mayo 2020 (UTC)
- Nailipat na ito, ngunit hindi ko alam na mayroon palang hiling sa paglipat dito. Gayunpaman, kailangan may 'ng', dahil kung tutuusin nagsisilbing pangalan ng sakit ang COVID-19 (na lumaganap at naging pandemya), at hindi ito ang mismong pangalan ng pandemya. --Sky Harbor (usapan) 15:58, 10 Mayo 2020 (UTC)
- @Sky Harbor: Sa pagkakaintindi ko, pinapangalanan ang isang pandemya sa sakit. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit binago ang pamagat sa Wikipediang Ingles (2019–20 coronavirus pandemic → COVID-19 pandemic, tingnan: en:Talk:COVID-19_pandemic#Requested_move_26_April_2020). Tagasalinero (makipag-usap) 17:01, 10 Mayo 2020 (UTC)
- Hindi, ang ibig kong sabihin ay ipinapangalan ang pandemya para sa isang sakit, pero hindi ito ang mismong pangalan ng pandemya (kung may tanging pangalan ito mismo). Alam ko na medyo teknikal itong pinag-uusapan natin, lalo na dahil isa ito sa mga mas nakalilitong aspekto ng balarilang Tagalog/Filipino. Halimbawa, at gagamitin ko ang Espanyol bilang pampakita rito, mas nararapat na ipangalan itong pandemia de COVID-19 o pandemia de coronavirus (pandemya ng COVID-19 o pandemya ng koronabirus) kaysa sa pandemia COVID-19 o pandemia coronavirus (pandemyang COVID-19 o pandemyang koronabirus), na naghihinuhang "koronabirus" o "COVID-19" ang pangalan ng pandemya mismo kaysa sa sakit na siyang paksa ng pandemya. --Sky Harbor (usapan) 17:05, 10 Mayo 2020 (UTC)
- Marunong rin dapat kayo magupdate, kung di updated ang artikulo dapat may template na This article needs to be updated. 49.149.109.162 02:28, 16 Mayo 2020 (UTC)