Pumunta sa nilalaman

Usapang MediaWiki:Sitenotice

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Muli hinihiling ko na lagyan ito ng

<small><center>Mayroon ngayong isang botohan patungkol sa pagpapalit-pangalan ng Wikipedia papuntang Wikipedya.</br>Kung hangad mong makilahok pumunta sa [[WP:Wikipedya]].</center></small>

Ganito ang kalalabasan

Mayroon ngayong isang botohan patungkol sa pagpapalit-pangalan ng Wikipedia papuntang Wikipedya.
Kung hangad mong makilahok pumunta sa WP:Wikipedya.

Para maging mabilis ang ating mga proseso sa pagboto. -- Felipe Aira 02:09, 4 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Kailangan may hangganan ang paglalagay ng anunsyo dito

[baguhin ang wikitext]

Sky Harbor, ginawa kong blangko uli ang sitenotice. Ang pagtatangal ko ay hindi nangangahulugang di ako sang-ayon sa nakalagay doon. Ang sa akin lamang ay hindi kaaya-aya na may ganitong paalala sa bawat pahina. Matagal na itong nakalagay dito. Kung mayroon kayong gustong ipahayag, ilagay na lang sa Kapihan. At kung kailangan talagang gamitin ang sitenotice, kailangan may hangganan at hindi napakatagal. At isa pa, hindi rin naaankop na gawin ang sitenotice para sa pagbati ng mga pista. Tayo'y websayt na walang kinikilingan. Kapag naglagay ka ng mga pagbati sa isang pista (halimbawa Pasko o Araw ng Kalayaan), paano naman iyong ibang taong hindi naninwala sa pistang iyon (i.e. mga di-Kristiyano o mga taong naniniwalang hindi tayo malaya). Okay lang ang pagbati sa mga userpages at sa Kapihan ngunit huwag sana sa sitenotice kasi nakikita ito sa lahat ng pahina. --Jojit (usapan) 03:55, 22 Agosto 2011 (UTC)[tugon]

Naging tradisyon ng Wikipediang Tagalog na maglagay ng pambati sa sitenotice, at hindi lang ako ang gumawa niyon. Makikita mo na kasama rin ang ibang mga tagapangasiwa sa paggamit ng sitenotice bilang pook-pambati mula sa pamayanan ng Wikipediang Tagalog. Gayunpaman, maaari naman nilang itago ang pahayag: inilagay ang opsyon na iyon dahil alam ng mga tagapagpaunlad ng MediaWiki na may taong ayaw magbasa ng mga pahayag.
Kasama rin sa iyon ang kahalagahan ng mensahe: mahalaga na dapat ipasa ang EDP at matagal na itong nakabinbin sa Kapihan na hindi pinapansin dahil walang pakialam ang pamayanan o hindi nila alam. Umiiral ang sitenotice para sa ganitong paggamit. Kung ayaw nilang basahin, maaari nilang itago ang pahayag at hindi tayo magkakaproblema. --Sky Harbor (usapan) 04:09, 22 Agosto 2011 (UTC)[tugon]
Hindi iyan tradisyon. Dati ko pang sinulungat iyan (tingnan Wikipedia:Kapihan/Sinupan_16#Tungkol_sa_pagbati_ng_Pasko_sa_sitenotice). Di ko lang alam kung nagbago na ang consensus natin dahil matagal na rin akong di gaanong aktibo. Kahit mahalaga ang anunsyo, kailangang may hangganan ito. Ang tagal na niyan sa sitenotice. Kung may anunsyo na dapat ilagay, matagal na ang isang linggo. Kung dapat na mas matagal, pag-usapan natin dito. Kahit sabihin mo na may paraan ang tagagamit na tanggalin ito, annoying pa rin siya at parang spam ang dating sa akin. Ang mungkahi ko sa iyo Sky, gumawa ka ng pahina ng usapan at botohan para maipasa na ang EDP. Hindi siya susulong sa pamamagitan lamang ng pag-anunsyo. --Jojit (usapan) 07:49, 22 Agosto 2011 (UTC)[tugon]

Hello, good news! Thanks to FreedomFighterSparrow and Brion, unregistered users can now hide the sitenotice again. Previously, they were forced to see it continuously.

In all cases, please use the sitenotice with care, and keep in mind that occasional visitors see sitenotices on all their visits, if they visit less than once a month or they don't click "dismiss" and save a cookie. Nemo 15:43, 24 Marso 2015 (UTC)[tugon]