Usapang Wikipedia:Buwan na Pang-Asya sa Wikipedia/2021
Ilahad lamang ang inyong katanungan sa pahinang ito tungkol sa patimpalak na ito. Para sa mabilis na pagtugon, paki ping na lamang ako gamit ang teksto na {{ping|Jojit fb}} na isasama sa inyong kumento. Salamat. --Jojit (usapan) 10:15, 11 Oktubre 2021 (UTC)
- @Jojit fb: Alam ko pong okey ang aking pagkapribado sa patimpalak na ito. Ngunit, isa po itong personal na desisyon at nabasa ko lang po iyon kamakailan, kaya ngayon ko lang pinili: nais ko na pong umalis sa patimpalak at ayaw ko pong magulat ang pamilya ko sa pagtanggap ng postcard.
- Sarili po akong gagawa ng iba't-ibang mga artikulo tungkol sa Asya at iba ring mga paksa kahit hindi isasama sa patimpalak. Salamat po, Caehlla2357 (kausapin) 14:46, 1 Nobyembre 2021 (UTC)
- Okey, medyo pong nagbago na ang isip ko nang kausapin ko ang ama ko. Caehlla2357 (kausapin) 15:05, 1 Nobyembre 2021 (UTC)
- @Caehlla2357: Salamat. Wala namang sapalitan ito ngunit salamat pa rin sa pagsali. --Jojit (usapan) 08:42, 4 Nobyembre 2021 (UTC)
- Sandali lang po. Pag-iisipan ko pa rin po talaga. Natakot lamang ako kahit alam ko ang mga patakaran sa pagkapribado. Ngunit masaya namang makilahok. Caehlla2357 (kausapin) 08:43, 4 Nobyembre 2021 (UTC)
- @Caehlla2357: Salamat. Wala namang sapalitan ito ngunit salamat pa rin sa pagsali. --Jojit (usapan) 08:42, 4 Nobyembre 2021 (UTC)
- Okey, medyo pong nagbago na ang isip ko nang kausapin ko ang ama ko. Caehlla2357 (kausapin) 15:05, 1 Nobyembre 2021 (UTC)
Redirects kabilang sa artikulo?
[baguhin ang wikitext]Ang artikulong Ezo ay redirect pa lamang noong 2013. Pwedeng pa-reconsider sa aking inihaing artikulo na bagong gawa pa lamang? --Kurigo (kausapin) 17:07, 7 Nobyembre 2021 (UTC)
- @Kurigo: Sabi sa patakaran, maari mo siyang ilagay dito: Wikipedia:Buwan na Pang-Asya sa Wikipedia/2021/Mga lahok kung gusto mo siyang ikunsidera. Nga pala, ang sinumite mong entry na Talaan ng mga ilog at estero sa Kalakhang Maynila ay hindi tatanggapin kasi ito'y isang tala. Ayon sa ating patakaran, hindi puwedeng isali ang tala. Salamat sa iyong pagsali. --Jojit (usapan) 04:41, 9 Nobyembre 2021 (UTC)
Maraming Salamat
[baguhin ang wikitext]Maraming salamat sa paanyaya mo @Jojit fb na muling mapabilang ngayon Wikipedia:Buwan na Pang-Asya sa Wikipedia/2021. Ako ay nakapagsumite na ng mga artikulo at ngayong taon ay tinutukan ko ang pagsasalin ng mga artikulong tungkol sa Pilipinas na nasa enwiki. Tumutok ako sa mga artikulong pang Pilipinas lamang ngayon sapagkat napansin ko na napakadaming artikulong nasa Ingles subalit wala sa Tagalok wiki.
Muli, salamat sa inyo at hanggang sa susunod. Patuloy pa din akong mag-aambag ng mga bagong artikulo at mga pagsasalin sa mga susunod na araw habang ako ay libre pa at walang gaanong ginagawa sa opisina. Wakowako (kausapin) 12:41, 25 Nobyembre 2021 (UTC)
- @Wakowako: Salamat din sa kontribusyon mo at dahil sa inyo nagkakaroon ng quality content ang Tagalog Wikipedia. :-) --Jojit (usapan) 01:11, 26 Nobyembre 2021 (UTC)