Usapang tagagamit:Felipe Aira/Wikipedya:Pangunahing pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Buod ng mungkahi[baguhin ang batayan]

Ito ang kabuuran ng aking mungkahi para sa bagong pangunahing pahina. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 08:23, 23 Disyembre 2007 (UTC)

Pangalan[baguhin ang batayan]

Ang pangalan nito kung inyong napansin ay "Wikipedya:Pangunahing pahina". Nilagyan ng "Wikipedya:" dahil ito naman ang tamang dapat paglagyan ng pahinang ito dahil hindi naman ito isang artikulo. Kagaya nito ang ginawa nila sa wikisalitaang Ingles: "Wiktionary:Main_Page". Naging "pangunahing pahina" naman ang pangalan ng pahina dahil sa sang-ayunang sa pahinang pang-usapan ng Unang Pahina.

Bagong disenyo[baguhin ang batayan]

Tinatampok ng pahinang ito ang bagong disenyo para sa unang pahina, kasama na roon ang paglalagay ng iba-iba kulay, mga bagong nilalaman at mga navigation bar.

Mga pangyayaring panloob[baguhin ang batayan]

Dito ilalagay ang mga pangyayaring panloob sa pamayanan ng Wikipedya, katulad ng mga halalan at botohan, mga mungkahi sa pagbabago at iba pang mga bagay na makakapagbago o maaaring makapagbago ng mararaming atikulo sa Wikipedya at/o sa kabuuan ng Wikipedya mismo. Ito ay para makahikayat ng mga makikilahok sa usapan at mapabilis ang proseso.

Mga WikiProyekto[baguhin ang batayan]

Dito itatala ang lahat ng mga WikiProyekto ng Wikipedya. Ito ay upang madaling mapuntahan at maugnayan ang mga ito.

Mga pangkat[baguhin ang batayan]

Mga pangkat/kategorya ng Wikipedyang Tagalog ang ilalagay dito. Ito ay para mapadali ang paghahanap ng mga mambabasa sa mga artikulong kanilang napupusuan.

Mga kaganapang pangnakaraan[baguhin ang batayan]

Kagaya ng "On this day..." sa Wikipedyang Ingles, dito ilalagay ang mga pangyayaring nangyari na noon pa.

Para naman sa pangunahing pahina, wala nang kailangan palitan ito araw-araw dahil awtomatiko itong magpapalit.

{{Wikipedia:Mga napiling kaganapan/{{#time:F}} {{CURRENTDAY}} {{CURRENTYEAR}}}}

Kung inyong mapapansin mayroong {{CURRENTYEAR}} dagdag sa kodigo. Ito ay para hindi na kailan pa kailangang iarkibo ang mga ito. Hindi katulad sa Wikipedyang Ingles na araw-araw ay kailangang iarkibo.

Mga napiling nilalaman[baguhin ang batayan]

Ang mga napiling talaan, napiling bidyo at napiling tunog ay ang paglalagyan ng mga ganoong nilalaman.

Magsimula ng bagong artikulo[baguhin ang batayan]

Ito ay ginawa upang umingganyo ng mga mambabasang gumawa ng mga artikulo upang kaagad nating maparami ang nilalaman ng Wikipedya.

Mga kaagapay na proyektong Wikimedia[baguhin ang batayan]

Doon nakalagay ang iba pang mga proyektong Wikimediang mayroong bersyong Tagalog o multilingwal.

Interwiki[baguhin ang batayan]

Mayroon nang mga kawing interwiki sa kaliwang sulok. Dito nakatala ang mga iba pang Wikipedya sa ibang mga wika nang sinunod-sunod ayon sa alpabetong Tagalog. Kaya huwag nang magtaka kung nauuna ang "k" sa "d".

Mga huling pahayag[baguhin ang batayan]

Lahat ng pagbanggit sa "Wikipedya" sa pahina at sa pangalan nito ay papalitan sa "Wikipedia" kung sa panahong magtapos ang botohan para dito ay hindi pa rin napagsasang-ayunan ang pangalan ng wiking ito. Lahat ng suleras at kaugnay na pahinang nagawa sa proseso ng paggawa ng pahinang ito, kung maaprubahan ito, ay maaaprubahan din. Kung mangyari man ito aalisin lahat ng pahina sa ilalim ng espasyo ko (User:Felipe Aira).

Botohan[baguhin ang batayan]

Paraan ng pagboto[baguhin ang batayan]

  • Gumawa muna ng isang panagutan
  • Maglagay ng
# ~~~~

sa sumusunod na botong pinupusuan mo.

  • Isang panig lamang ang maaaring panigan.
  • Mag-iwan ng puna pagkatapos ng boto kung hinahangad.

Sang-ayon(1)[baguhin ang batayan]

  1. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 08:23, 23 Disyembre 2007 (UTC) Aba, siyempre! Ako ang gumawa eh!

Tutol(1)[baguhin ang batayan]

  1. -- Celester MejiaWikipedyaKalidad 14:30, 6 Enero 2008 (UTC) Masyadong mahaba. Kailangan itong iklian at ilagay sa pinakaitaas ang napiling artikulo upang magkaroon ng silbi ang napiling artikulo ngunit mganda ang mga nakpaloob sa Unang Pahinang iyong ginawa. (ö,)

Nyutro(0)[baguhin ang batayan]

Mga puna(0)[baguhin ang batayan]

Ilagay dito ang inyong mga puna/kumento. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 08:31, 23 Disyembre 2007 (UTC)