Pumunta sa nilalaman

Pambansang utang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Utang ng publiko)

Ang pambansang utang, na tinatawag ding utang ng pamahalaan, utang ng madla, o utang ng publiko (Ingles: government debt, public debt, o national debt) ay ang utang, pagkakautang, o kautangan (huwag ikalito sa pautang) ng pangunahing pamahalaan, na kadalasang umiiral o nagaganap kapag umuutang o humihiram ng salapi o pera ang pamahalaang ito. Karaniwang itong naisasagawa sa pamamagitan ng mga bono ng gobyerno. Kabilang sa mga layunin ng pag-utang ng pamahalaan ang matustusan ang mga pagawaing-bayan o pagawaing pambansa, at upang maabot ang mga emerhensiyang tulad ng panahon ng digmaan. Tinatawag na pangmadlang utang o utang na pampubliko ang pinagsamang pambansang kautangan at ang mga pagkakautang ng mga lokal na pamahalaan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. National debt, public debt - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com., Dictionary Index para sa titik na N, pahina 433.

Pamahalaan Ang lathalaing ito na tungkol sa Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.