Pumunta sa nilalaman

Vaginitis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vaginitis
EspesyalidadHinekolohiya Edit this on Wikidata

Ang vaginitis ay ang iritasyon[1] at pamamaga ng ari ng babae.[2][3] Maaari itong magresulta sa pagdidiskarga o pagkatas ng puke, pangangati at kirot,[3] at madalas na may kaugnayan sa iritasyon o impeksiyon ng vulva. Madalas na ito ay dahil sa impeksiyon.[4] Ang tatlong pangunahing mga uri ng vaginitis ay ang bacterial vaginosis (BV), vaginal candidiasis, at trichomoniasis.[5] Ang isang babae ay maaaring magkaroon ng kumbinasyon ng mga impeksiyong pampuki sa loob ng isang pagkakataon. Ang mga sintomas na lumilitaw ay nagkakaiba-iba ayon sa impeksiyon, bagaman mayroong pangkalahatang mga sintomas na pinagsasaluhan o pinagkakapare-pareho ang lahat ng mga impeksiyon na para sa vaginitis. Ang mga babaeng naimpeksiyon ay maaaring walang mga sintomas (asimptomatiko). Ang mga test o pagsusuri para sa mga impeksiyon ng puki ay hindi bahagi sa rutina ng mga eksaminasyong pelbiko (pagsusuri ng balakang), kung kaya't ang mga babae ay dapat na huwag akalain na malalaman ng kanilang mga tagapangalaga ng kalusugan ang impeksiyon, o magbibigay ang mga taong ito ng nauukol na lunas o paggamot na wala ang pagbibigay ng mga babaeng ito ng impormasyon.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.
  2. Vaginal Health Organization (2010) Vaginal Yeast Infections — Diagnosis, Treatment, and Prevention Hulyo 10, 2010; nasuspindi ang account mula pa noong Nobyembre 5, 2010
  3. 3.0 3.1 www.mayoclinic.com — Diseases and Conditions — Vaginitis — Basics — Definition Pebrero 6, 2009
  4. FreeMD — Vaginitis Definition Naka-arkibo 2017-09-17 sa Wayback Machine. Hunyo 30, 2009
  5. 5.0 5.1 "Trichomoniasis." Gale: Contemporary Women's Issues. HealthyWomen, Disyembre 2010. Web. Abril 7, 2011.