Pumunta sa nilalaman

Trikomonyasis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Trichomoniasis)

Ang trikomonyasis[1] (Ingles: trichomoniasis[2][3]) ay isang impeksiyong dulot ng isang protosoa (Ingles: protozoa) na kabilang sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Sanhi ito ng mikrobyong trikomonas baynalis[1] (Ingles: trichomonas vaginalis), isang parasito. Tinatawag din itong trich.[3]

Mga palatandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga kalalakihan at kababaihan, nagiging madalas at mahapdi ang pag-iihi, may malubhang pangangati sa paligid ng ari ng lalake, ari ng babae at sa labasan ng dumi, at mayroon ding abnormal na pagdurugo. Sa mga kababaihan, nagkakaroon ng makatas na tulong naninilaw, luntian, may mabahong amoy at mabula. Bilang dagdag anim sa bawat sampung indibidwal na babaeng may ganitong sakit ang hindi kakikitaan ng mga sintomas.[3]

Maaari ring kasabay ng trikomonyasis ang iba pang mga uri ng sakit na nakukuha sa pagtatalik.[3]

Sa mga lalaki at babae

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga kumplikasyon ang (Ingles: pelvic inflammatory disease, PID), pamamaga sa bayag (partikular na ang implamasyon ng iskrotum), at rayuma.[3]

Sa mga sanggol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkakaroon ng pamamaga ng matang kilala sa medisina bilang optalmitis (Ingles: Opthalmitis) ang nahawahang mga sanggol.[3]

Dahil sa kakulangan sa paggamot

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapag hindi nakumpleto ang pagpapagamot, may pagkakataong manumbalik ang karamdaman.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Binaybay ayon sa ortograpiya
  2. " Trichomoniasis." Sexually Transmitted Diseases/Mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik Naka-arkibo 2008-08-29 sa Wayback Machine., HealthInfo (PDF), Mount Carmel Health, Ohio State University Medical Center/OhioHealth, Columbus, Ohio, healthinfotranslations.org, healthinfotranslations.com (serbisyong pampubliko, walang restriksiyon sa kopirayt), Hulyo 2007 (Tagalog at Ingles), nakuha noong 8 Agosto 2008
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 “Trichomoniasis” Naka-arkibo 2008-03-14 sa Wayback Machine., Sexually Transmitted Infection, "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Quiapo, Maynila, Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: 13 Marso 2008