Gonorea
Ang tulo[1] (Ingles: gonorrhea)[2][3][1] ay isang pagsakop na sanhi ng isang baktirya. Maari rin na mahawa ang gonorea sa pamamagitan ng pagdaan sa mga mata.[4]
Mga hudyat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumilitaw ang mga sumusunod na hudyat na mayroong tulo ang isang tao mula tatlo hanggang siyam na araw makaraan ang pagkahawa.[1]
May lumalabas na malapot, malabo, kulay dilaw, o puting nana galing sa arin. Nagkakaroon din ng hapdi sa pag-ihi na mas madalas kaysa sa karaniwan. May lagnat din, at pangangati ng titi o puke, at puwitan. Kumikirot din ang mga namamagang mata. Sa mga kababaihan, hindi hanusin ang pagregla. Kung minsan, nagkakaroon din ng tulo sa lalamunan na sanhi ng pambibig na siping. Ayon sa pagtutuos, anim sa bawat sampung kababaihan ang nagkakatulo nang walang lumilitaw na hudyat kaya’t maari silang makahawa nang hindi nila batid.[1]
Mga damay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa babae
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mga kababaihan, may pamamaga ang mga himaymah sa paligid ng bahay-bata (Ingles: pelvic inflammatory disease, PID) na nagiging sanhi ng pagdadalang-tao sa labas ng sinapupunan, na may kasamang pagkirot sa paligid ng puke. Nagdurulot rin ito ng pagkabaog.[1]
Sa lalaki
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mga kalalakihan, nagkakaroon ng pamamaga ng bayag, rayuma, at pagkabaog.[1]
Sa ina at sanggol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sakaling mahawahan o masalinan ng ina ang sanggol sa kapanahunan ng pagdadalangtao.[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 “Gonoria, tulo” Naka-arkibo 2008-03-14 sa Wayback Machine., Sexually Transmitted Infection, "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Quiapo, Maynila, Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: 13 Marso 2008
- ↑ English, Leo James (1977). "Gonorea, gonorrhea". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ "Gonoria, tulo" (PDF). HealthInfoTranslations.org. Mount Carmel Health, Ohio State University Medical Center/OhioHealth. Hulyo 2007. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-08-29. Nakuha noong 2008-08-08.
Sexually Transmitted Diseases / Mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik
- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Gonorrhea, Venereal diseas". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 754.