Vandal Savage
Vandal Savage | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | Green Lantern #10 (Disyembre 1943) |
Tagapaglikha | Alfred Bester (panulat) Martin Nodell (guhit) |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Vandar Adg |
Espesye | Pinabuting Cro-Magnon |
Kasaping pangkat | Secret Society of Super Villains Injustice Society Tartarus Demon Knights Legion of Doom Council of Immortals Justice League United |
Kilalang alyas | Khafre, Alexander the Great, Julius Caesar, Genghis Khan, Vlad the Impaler, Jack the Ripper, Burt Villers, Cain, Licinius,[1] Blackbeard,[2] Adolf Hitler, Napoleon |
Kakayahan | Imortalidad Hindi-taong selyular na rehenerasyon Higit-sa-taong pisikal na katangian Henyong-antas na katalinuhan Ekselenteng kasanayan sa pakikipaglaban Natutuo sa milenyo ng kasaysayan, pakikidigma, at agham |
Si Vandal Savage ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Imortal si Savage,[3] at sinalanta ang Daigdig ng krimen at karahasan simula pa noong bago ng natalang kasaysayan ng tao. Napakatalino niya datapwa't sadistang taktiko na may napakalawak na kagalingan sa teknolohiya. Isa siya sa pinakamatiyagang kontrabida ng DC at kinalaban ang daan-daang mga bayani sa buong kasaysayan. Noong 2009, niranggo si Vandal Savage ng IGN bilang ang ika-36th pinakalubos-lubusang kontrabida sa komiks sa lahat ng panahon.[4]
Unang lumabas bilang totoong-tao o live-action si Vandal Savage, sa ilalim ng pangalang "Curtis Knox", sa Smallville, na ginampanan ni Dean Cain. Ipinakilala sa kalaunan ang karakter sa Arrowverse ng The CW, kung saan ginampanan siya ni Casper Crump. Siya ang pangunahing kontrabida sa episodyong "Heroes Join Forces", ang crossover sa pagitan ng ikalawang season ng The Flash at ikaapat na season ng Arrow, at noong unang season ng Legends of Tomorrow, at kalaunan ay lumabas bilang kameyo sa ikaapat na season.
Kasaysayan ng paglalathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang lumabas si Vandal Savage noong Ginintuang Panahon ng Komiks sa Green Lantern bol. 1 #10 (Disyembre 1943), at nilikha nina Alfred Bester at Martin Nodell.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ JSA Classified #10 (Mayo 2006)
- ↑ JSA Classified #11 (Hunyo 2006)
- ↑ Baron, Mike (w), Guice, Jackson (p), Mahlstedt, Larry (i). "Heart... of Stone!" The Flash v2, 2: 1/4 (Hulyo 1987), DC Comics
- ↑ "Vandal Savage is number 36" (sa wikang Ingles). IGN. Nakuha noong 2015-10-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Korte, Steve; Manning, Matt; Wiacek, Win; Wilson, Sven (2016). The DC Comics Encyclopedia: The Definitive Guide to the Characters of the DC Universe (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 318. ISBN 978-1-4654-5357-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)