Radyo Batikana
Palatuntunan | |
---|---|
Format | Balita, mga pagdiriwang na panrelihiyon, mga programang malalim ang pagtalakay sa mga paksa, at tugtugin |
Affiliation | World Radio Network |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Lungsod ng Vaticano |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1931 |
Link | |
Website | www.radiovaticana.org |
Ang Radyo Batikana (Ingles: Vatican Radio, Italyano: Radio Vaticana) ay isang palingkurang pambrodkast ng Lungsod Batikano. Itinatag noong 1931 ni Guglielmo Marconi, ang mga programa nito sa ngayon ay iniaalok sa 47 mga wika, at ipinasasahimpapawid sa pamamagitan ng maikling daluyong (pati na sa DRM), daluyong na midyum (hindi gaanong kahabaang daluyong), FM, satelayt at Internet. Ang Ordeng Jesuita ay nabigyan ng pananagutan sa pamamahalaa ng Radyo Batikana magmula noong pagsisimula nito. Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at noong pagbangon ng Italyang Fascista at Alemanyang Nazi, naglingkod ang Radyo Batikana bilang isang napagkukunan ng mga balita ng Mga Alyado (Mga Magkakampsi) pati na pagsasahimpapawid ng propagandang maka-Alyado (o payak na walang pinapanigan).[kailangan ng sanggunian] Pagkaraan ng isang linggo, iniatas ni Papa Pio XII ang palatuntunan, nagbrodkast ang Radyo Batikana sa isang hindi makapaniwalang mundo na ang mga Polako at mga Hudyo ay hinuhuli at pinupuwersa sa loob ng mga ghetto.
Sa ngayon, ang produksiyon ng pagpoprograma ay nasa kamay ng 200 mga mamamahayag na nasa 61 iba't ibang mga bansa. Ang Radyo Batikana ay lumilikha ng mahigit sa 42,000 mga oras ng magkakasabay na mga pagbobrodkast na sumasaklaw sa mga balitang pandaigdigan, mga pagdiriwang na panrelihiyon, mga palatuntunang may masinsing pagtalakay sa mga paksa, at musika. Ang pangkasalukuyang direktor na pangkalahatan ay si Padre Federico Lombardi, S.J.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.