Pumunta sa nilalaman

Vicente Sotto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Vicente Sotto y Yap
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
28 Mayo 1946 – 28 Mayo 1950
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikalawang Distrito ng Cebu
Nasa puwesto
1922–1925
Nakaraang sinundanSergio Osmeña
Sinundan niPaulino Gullas
Personal na detalye
Isinilang18 Abril 1877(1877-04-18)
Lungsod ng Cebu, Captaincy General of the Philippines
Yumao28 Mayo 1950(1950-05-28) (edad 73)
Maynila, Pilipinas
AsawaMaria Ojeda
AnakMarcelino Antonio Sotto
Voltaire Sotto
Filemon Sotto
Vicente Sotto, Jr.
Suga Sotto
WebsitioSen. Vicente Sotto

Si Vicente Sotto y Yap (18 Abril 1877 – 28 Mayo 1950) ay isang politiko sa Pilipinas. Apo niya ang sikat na komedyante at senador na si Tito Sotto.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Sotto ay isinilang sa Cebu City noong 18 Abril 1882 kina Marcelino Sotto at Pascuala Yap. Nakapagtapos siya ng kursong Abogasya at pumasa sa Bar exam noong 1907. Noong 1902, si Vicente Sotto ay pumasok sa mundo ng politika bilang isang konsehal. At noong 1907 ay nanalo siyang mayor.

Kinilala siya bilang Ama ng Literaturang Sebwano at bilang Ama ng Malayang Pamamahayag. Siya ang nagtatag ng unang pahayagan sa Cebu noong 1899, ang La justicia, isang pahayagang laban sa mga Amerikano. Nang ipatigil ang paglalathala nito, itinatag naman niya ang pahayagang El nacional. Noong 1900 ay itinatag niya ang El pueblo at ipinagpatuloy niya ang pangangampanya laban sa diskriminasyon. Noong 1901, ipinalathala niya ang unang pahayagang Sebwano sa Cebu, Ang Suga.

Nangibang bansa siya sa Hong Kong at nang magbalik sa Pilipinas ay inilathala niya ang The Independent sa Maynila. Hindi lamang isang mamamahayag si Sotto, nagsulat din siya ng maikling kuwento at dula. Bunga ng kanyang panulat ang kuwentong Maning; ang dulang Gugma sa Yutang, Natawhan at ang operetang Mactan. Siya ang kaunaunahang sumulat ng operetang Bisaya.

Napasok siya sa politika. Naging alkalde siya ng Cebu at naging Senador.

At apo niya si Hugo Sotto.


PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.