Vinadio
Vinadio Vinai (Occitan) | ||
|---|---|---|
| Comune di Vinadio | ||
| ||
| Mga koordinado: 44°18′N 7°10′E / 44.300°N 7.167°E | ||
| Bansa | Italya | |
| Rehiyon | Piamonte | |
| Lalawigan | Cuneo (CN) | |
| Mga frazione | Sant'Anna | |
| Pamahalaan | ||
| • Mayor | Giuseppe Cornara | |
| Lawak | ||
| • Kabuuan | 183.17 km2 (70.72 milya kuwadrado) | |
| Taas | 904 m (2,966 tal) | |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
| • Kabuuan | 629 | |
| • Kapal | 3.4/km2 (8.9/milya kuwadrado) | |
| Demonym | Vinadiesi | |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
| Kodigong Postal | 12010 | |
| Kodigo sa pagpihit | 0171 | |
| Santong Patron | Madonna del Vallone | |
| Saint day | Ikalawang Linggo ng Setyembre | |
Ang Vinadio (Occitan: Vinai) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Cuneo, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 100 kilometro (62 mi) timog-kanluran ng Turin at mga 30 kilometro (19 mi) timog-kanluran ng Cuneo, sa hangganan ng Pransiya. Matatagpuan ito sa tabi ng ilog ng Stura di Demonte.
Ang Vinadio ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Aisone, Demonte, Isola (Pransiya), Pietraporzio, Saint-Etienne-de-Tinée (Pransiya), Sambuco, at Valdieri.
Mga pangunahing tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa frazione ng Sant'Anna di Vinadio ay ang eponimong santuwaryo, na siyang pinakamataas na lugar ng pagsamba ng mga Kristiyano sa Europa na humigit-kumulang 2,000 metro (6,600 ft). Ang Vinadio ay tahanan din ng isang mahalagang kuta ng dating Kaharian ng Cerdeña, ang Forte Albertino.
Kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2003, isinagawa sa bayan ng 'World Meeting ng 2CV Friends', kung saan humigit-kumulang 7,000 tao mula sa buong mundo ang nagkita at nagkampo sa paligid ng sinaunang Forte Albertino.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
