Pumunta sa nilalaman

Walter Persegati

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Walter Persegati ay ang dating kalihim at ingat-yaman ng mga Bantayog ng Batikano (o mga Moog o Monumento ng Batikano), mga Museo, at mga Tanghalan (o Galeriya). Siya ang namahala at namuno, kasama ng direktor-panglahat na si Carlo Pietrangeli, sa pagpapalinis at restorasyon (pagbabalik sa dating kasiglahan at kaanyuan) ng mga mural ni Michelangelo sa Kapilyang Sistino ng Batikano.[1][2][3][4][5]

Isa siyang lalaking may uban o kulay abuhing buhok na nagsusuot ng makapal na mga salaming pangmata. Nagsimula siyang manungkulan bilang kalihim-panglahat ng Mga Museo at Tanghalan ng Sining ng Batikano noong 1971. Siya ang nakipagkasundo sa Nippon Television Network Corporation ng bansang Hapon, sa halagang $3 milyon, upang linis ang mga dingding at kisame ng kapilya, bilang kapalit ng eksklusibong mga karapatan sa paggawa ng pelikula sa proyektong tumagal ng labindalawang mga taon. Sa panahong iyon, tinaya ni Persegating mabubuo ang restorasyon sa taong 1992.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Christophers (2004). "Walter Persegati, Where Art Thou?". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Oktubre 18.
  2. Walter Persegati (dating sekretaryo at tresurero ng mga Museo ng Lungsod ng Batikano) Naka-arkibo 2006-09-15 sa Wayback Machine., Tuesday, January 30 (taon hindi ibinigay), 7:00 PM Art History Lecture, "Restored to Glory: The Sistine Chapel Frescoes," Kane Hall 120, School of Art, Depts.Washington.edu
  3. Hughes, Robert. Walter Persegati Naka-arkibo 2010-10-29 sa Wayback Machine., An Unfamiliar Michelangelo, (...) "The decision to clean the Sistine frescoes, made four years ago by the curatorial officers of the Vatican museums, headed by their director general, Carlo Pietrangeli, and their secretary-treasurer, Walter Persegati, is one of the most courageous ever made in the field of art conservation" (...), Time.com, Pebrero 11, 1985.
  4. Dr. Walter Persegati, Lectures on the Sistine, Arts, The New York Times, NYTimes.com, (...) "The cleaning of the Michelangelo frescoes is to be discussed by Dr. Walter Persegati, the secretary general of the Vatican Museums" (...), Hunyo 7, 1990.
  5. Glueck, Grace. Walter Persegati, Halt Urged in Work on Sistine and 'Last Supper' , (...) "In Rome, Walter Persegati, secretary of the Vatican Museums, said he had not yet seen the artists' petition on the Sistine Chapel, and could not comment on it directly. But as to the requested pause, Mr. Persegati said, 'We pause very often whenever we see the need to do further research, analysis or trials, but we do not see any reason to pause right now.'" The New York Times, NYTimes.com, Marso 6, 1987.
  6. Christy, Marian. Walter Persegati, The Sistine Chapel's $3 Million Man, The Boston Globe (Boston, MA), ProQuest LLC, Encyclopedia.com, Pebrero 14, 1988.