Pumunta sa nilalaman

Wendell Brown

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wendell Brown
Brown tumutugon sa isang tech conference noong 2013
Kapanganakan
Wendell Brown
NasyonalidadAmerican
NagtaposCornell University
TrabahoInventor
Entrepreneur
Computer Scientist
Kilala saTeleo
LiveOps
eVoice
TituloCo-founder & CEO of Averon

Si Wendell Brown ay isang Amerikanong computer scientist, negosyante, at imbentor na mas kilala sa kanyang mga makabagong-likha sa Telecommunications at Internet Technology, Cybersecurity, pag-develop ng Smartphone app, at ang Internet of Things. Nagtatag si Brown ng maraming kilalang kumpanya para sa teknolohiya kabilang ang Teleo, LiveOps and eVoice.

Si Brown ay itinuturing na isang pioneer ng gig economy at work-at-home industry,[1] pagtatatag nito ng LiveOps bilang isang chairman at chief technology officer noong 2002. Ang LiveOps ay nag didisenyo ng mga call center solutions at social media management para sa mga kumpanya tulad ng Coca-Cola, Pizza Hut, at eBay.[2] Simula noong Hulyo 2016, ang LiveOps ay nakapag bigay ng trabaho na pinakamalaki sa mundo na work-at-home call agent workforce na may higit sa 20,000 mga ahente, at ang cloud platform nito ay naka pag proseso ng mahigit isang bilyong minuto ng mga pakikipag-ugnayan sa customer service.[3][4]

Noong 2015, itinatag ni Brown ang isang kumpanya para sa cybersecurity na Averon, na nag buo ng frictionless identity solutions batay sa mga mobile technologies.[5] Ipinakilala ng Averon ang konsepto nito na cybersecurity solution concept sa main stage ng global TED Conference sa Vancouver, Canada noong Marso 2016.[6] Ipinahayag ng Telefónica ang pakikipagsosyo nito sa Averon para sa teknolohiya.[7]

Itinatag ni Brown ang Nularis noong 2011, isang developer ng mga high-efficiency LED lighting technology na nag susuply ng global franchises kabilang na dito ang Hyatt Hotels, Four Seasons Hotels at The Coffee Bean & Tea Leaf.[8]

Noong 2006, itinatag ni Brown ang Teleo, isang kakumpitensya ng Skype, kung saan lumikha siya ng mga VoIP applications na nagbigay daan para ang mga users ay makapagpadala at makatanggap ng mga tawag sa telepono gamit ang Internet..[9] Ang Teleo ay nakuha ng Microsoft at naging bahagi ng MSN group ng Microsoft noong 2006.[10]

Bilang isa sa mga founder at chairman ng eVoice, nilikha ni Brown ang platapormang eVoice voicemail noong 2000, ang unang pinakamalaki sa buong mundo, ang sistemang Internet-enabled voicemail.[11][12] Inimbento niya ang mga pamamaraan tulad ng voicemail-to-email, visual voicemail, at pinahusay ang caller ID,[13] mga pagbabago na itinuturing na ilan sa pinakamaagang "apps," at kung saan ay pinalawak ng Google Voice at ng Apple. Nagbigay ang eVoice ng mga solusyon sa voicemail sa AT&T, MCI, AOL, at mga rehiyonal na kompanya ng telepono. Ang eVoice ay nakuha ng AOL Time-Warner noong 2001 at naging bahagi ng AOL voice services group.[14]

Kinilala si Brown bilang isa sa Top 100 leading computer industry executives sa Amerika ng isang technology magazine na MicroTimes noong 2002.[15]

Bilang isang Silicon Valley angel investor, nakatulong si Brown na itaas ang pagpopondo para sa mga kapansin-pansin na startup companies kabilang na ang Appeo, ADISN,[16] MOEO,[17] at IronPort,[18] na nakuha ng Cisco Systems noong 2007 para sa halagang US$830 milyon.[19]

Software Developer

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Steve Jobs at si Brown sa launch ng Brown's Hippo-C software para sa Macintosh, January 1984

Bilang isa sa mga pinakaunang tagalikha ng cybersecurity software, itinatag ni Brown ang WalkSoftly noong 1996, na naglabas ng pinakaunang programa sa mass market software security para sa mga PC. Noong 1997, binuo ni Brown ang makabagong Internet security package na Guard Dog, na iginawad ng Software Publishers' Association bilang isa sa Top 4 na pinaka-makabagong security products noong dekada 1990, at pinangalanan ng PC Data bilang isa sa Top 10 bestselling retail security software products of all time. Ang WalkSoftly ay nakuha ng CyberMedia Inc. noong 1997.[20]

Itinatag ni Brown ang Hippopotamus Software noong 1980s, isang pinakaunang software developer para sa Apple Macintosh. Ang C compiler ng Hippo-C ni Brown ay isang nangungunang software development environment para sa Mac at Atari ST computer systems.[20]

Si Brown ay kilala ng mga klasikong tagahanga ng mga video game dahil sa kanyang disenyo at pagprogram ng ilang best-selling games para sa Imagic, kabilang ang Star Wars para sa ColecoVision, at Beauty & the Beast,[21] Nova Blast,[21] at Moonsweeper[22][23] para sa Mattel's Intellivision.

Noong kalagitnaan ng 1980s, binuo ni Brown ang sistemang ADAP SoundRack, isang pioneering direct-to-hard-disk audio recording system na pinalitan ang tradisyunal na paraan ng pag-edit ng sound-tape. Ginamit ang ADAP upang lumikha at mag-edit ng mga soundtrack ng mga pelikula sa Hollywood at mga palabas sa TV, kabilang ang Born on the Fourth of July, Honey, I Shrunk the Kids, Die Hard, The Cosby Show, Falcon Crest, at ang pilot episode ng Beverly Hills 90210. Ang ADAP ay ginamit ng mga recording artists na sina Peter Gabriel, Fleetwood Mac, The Pointer Sisters, Mötley Crüe, David Bowie, at Natalie Cole at iba pa.[24] Paggamit ng kanyang teknolohiyang ADAP, si Brown ay kumunsulta sa mga sound projects para sa The Walt Disney Company at Toshiba, at kalaunan ay nagtrabaho bilang telecommunications cryptography expert sa National Semiconductor upang makatulong na bumuo ng mga hardware implementations para sa algorithm ng DS3.[25]

Noong Enero 2012, pinarangalan ng World Economic Forum sa Davos si Brown para sa kanyang mga imbensyon sa energy efficiency bilang isang Technology Pioneer Award Nominee. Ang mga likha ni Brown sa mga smartphone app ay nanalo sa CTIA Smartphone Emerging Technology Award noong Mayo 2012. Ang mga teknolohiya ng telekomunikasyon ni Brown ay ginagamit upang kumonekta ng higit sa 1 bilyong minuto ng mga tawag sa telepono at ginagamit sa milyun-milyong mga voicemail account.[26]

Si Brown ay lumikha ng dose-dosenang mga U.S. at internasyonal na mga patent na imbensyon sa larangan ng mga cybersecurity, telecommunications, mga mobile phone apps, virtual workforce, de-kuryenteng sasakyan, LED lighting, 3D camera, renewable fuels, at online na pamamahagi ng musika.[27]

Noong 2008, inimbento ni Brown ang WebDiet, isang paraan ng paggamit ng mga mobile phone upang mabilang ang pagkonsumo ng pagkain upang mapabuti ang kalusugan. Ang WebDiet app ay kinikilala bilang unang app upang mabilang ang calories at i-automate ang pagkain.[28]

Maagang buhay at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumaki si Brown sa lungsod ng Oneonta, New York at nagtapos mula sa Oneonta High School.[29] Habang nasa high school, si Brown ay nagsimulang magprogram at magbenta ng mga personal computer systems, at inilathala ang kanyang unang artikulo sa computer sa Byte (magazine). Noong 2013, pinarangalan siya ng permanenteng plake sa Wall of Distinction ng Oneonta High School para sa kanyang mga nagawa sa negosyo at teknolohiya.[29]

Si Brown ay nagtapos mula sa Cornell University noong 1982,[30] kung saan nakakuha siya ng Bachelor of Science degree sa Electrical Engineering at Computer Science.[31] Habang nasa Cornell, si Brown ay nagawaran ng Hughes Aircraft Bachelor of Science Undergraduate Fellowship.[32]

Kabilang sa mga pagkakawanggawa ni Brown ang pag-endowment ng isang named scholarship sa Soka University of America (Aliso Viejo, California), na sumusuporta para sa Aviation Safety Lab & Library ng Embry-Riddle Aeronautical University, at pribadong pag-sponsor ng mga mahihirap na estudyante sa South America.

Siya ay isang matagal ng contributing member ng Human Rights Campaign para sa pagsulong ng mga karapatang sibil ng LGBT, at ng pandaigdigang Jewish service organizations.[33]

Personal na Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Brown nagsasalita sa TIME sa New York City, 2012

Si Brown ay nakikilahok bilang isang tagapagsalita, technology judge at tagapayo sa mga komunidad kabilang ang Israel Conference,[34] ang World Economic Forum,[35] TED (conference),[36] Google at MIT Hackathons,[37] Digital Life Design Munich at DLD Tel Aviv Conferences,[38] ang Web Summit Dublin,[39] TechCrunch, CTIA - The Wireless Association,[40] AlwaysOn ("Networking the Global Silicon Valley"),[41] El Financiero (Bloomberg),[42] at ang Mita Institute Tech Talks.[43]

Si Brown ay isang advisory committee member ng Progressive X Prize para sa makabagong ideya ng sasakyan kabilang ang mga bagong teknolohiya ng gasolina at pagpapaunlad ng de-kuryenteng sasakyan,[44] isang tagapayo sa MITA Institute Venture Fund,[26] pati na rin ang pagiging tagapayo sa Gener8, isang stereoscopic 3D movie company na may mga kredito sa pelikula kasama ang The Amazing Spider-Man at Harry Potter and the Deathly Hallows: Part 2.[15]

Si Brown ay isang lisensyadong private pilot at aktibo sa pagbuo ng bagong eroplano, rocket, at de-kuryenteng disenyo ng sasakyan.

  1. "Learn About the History of LiveOps". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Customers". 16 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Liveops Cloud". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-07. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Agents on Demand". 12 Nobyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hunyo 2017. Nakuha noong 3 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "About Averon". averon.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-23. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Machines that learn: A recap of Session 3". 1 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lomas, Natasha. "Wayra U.K. Adds Six More Startups To Its Mentoring Program".
  8. "Management.html". nularis.com.
  9. "Start-up gets backing of e-mail pioneers".
  10. "Microsoft Acquires Teleo, Innovative VoIP Technology Company - News Center".
  11. "Start-up Aims to Speed Internet Messaging". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-23. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Software Services Applications Internet Social/6062033-1.html".
  13. "Voice messaging system".
  14. "Evoice". virtualpbxcompare.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-03. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 "Wendell Brown: Executive Profile & Biography - Businessweek". investing.businessweek.com.
  16. "iPhone app gleans healthy grub nearby". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-14. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "MOEO - Vator Profile". vator.tv. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-06. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Cisco to Acquire IronPort". Epoch News. PESource. Enero 4, 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 10, 2011. Nakuha noong Enero 5, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Keith Regan (Enero 4, 2007). "Cisco buys IronPort for $830 Million". E-Commerce Times. Nakuha noong Nobyembre 5, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 "B2B Database of Detailed & Accurate Contact Information - ZoomInfo".
  21. 21.0 21.1 "Intellivision Classic Video Game System / Imagic for Intellivision". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-12-08. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "ColecoVision.dk presents: Moonsweeper © 1983 by: Imagic Interactive Entertainment".
  23. "Intellivision World :: Official Intellivision FAQ 7.0".
  24. "Hippo-C creator Wendell Brown's new ADAP SoundRack". Macworld. Mac Publishing. Agosto 1988. p. 17. {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Hippo-C creator Wendell Brown's new ADAP SoundRack". Macworld. Mac Publishing. Agosto 1988. p. 18. {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 "Wendell Brown - Advisor @ Crowdfunder - CrunchBase".
  27. "wendell brown - Google Search".
  28. "DEMOfall 08: WebDiet uses cell phones to help count calories".
  29. 29.0 29.1 "Oneonta High Alumni Association".
  30. "Cornell Club Steaks and Startups". Cornell Club of Los Angeles. Setyembre 22, 2013. Nakuha noong 5 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Oneonta's Own Wendell Brown". The Oneonta Star. The Oneonta Star. Marso 2001. p. 7. {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Oneonta's Own Wendell Brown". The Oneonta Star. The Oneonta Star. Marso 2001. p. 8. {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Oneonta's Own Wendell Brown". The Oneonta Star. The Oneonta Star. Marso 2001. p. 8. {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Daren Riley and Wendell Brown of APPEO".
  35. "The World Economic Forum".
  36. "TED: Ideas worth spreading".
  37. "Hacking Generation Y Official".
  38. "DLD Conference: Digital-Life-Design".
  39. "Attendees 2014". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-02. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "CTIA - Everything Wireless".
  41. "About AO". Always On. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 25, 2013. Nakuha noong Enero 5, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "TV vía web, mejor inversión que cadena: Wendell Brown". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-23. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Wendell Brown/". mitainstitute.com.[patay na link]
  44. "Advisors". progressiveautoxprize.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-01-14. Nakuha noong 2018-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]