Wendy's

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Wendy's ay internasyunal na restawran ng mabilisang pagkain (fast food) na itinitag ni Dave Thomas noong Nobyembre 15, 1969 sa Columbus, Ohio, Estados Unidos. Noong Enero 29, 2006, lumipat ang punong himpilan ng kompanya sa Dublin, Ohio. Noong 2016, ang Wendy's ang naging pangatlo sa pinakamalaking fast food chain ng mga hamburger na mayroong higit sa 6,500 mga lokasyon na sinusundan ang Burger King at McDonald's. Noong Abril 24, 2008, pinabatid ng kompanya ang pagsasama nito sa Triarc Companies Inc., isang kompanyang kinakalakal sa publiko at ang pinagmulang kompanya na Arby's. Sa kabila ng bagong may-ari, nanatiling sa Dublin ang punong himpilan ng Wendy's. Pagkatapos ng pagsasama, nakilala ang Triarc bilang Wendy's/Arby's Group, at sa kalaunan bilang The Wendy's Company.