McDonald's

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
McDonald's
UriPampubliko
IndustriyaRestoran
Itinatag15 Mayo 1940 sa San Bernardino, California; McDonald's Corporation, 15 Abril 1955 sa Des Plaines, Illinois
NagtatagRichard at Maurice McDonald McDonald's restaurant concept; Ray Kroc, Nagtatag ng McDonald's Corporation.
Punong-tanggapanOak Brook, Illinois, Estados Unidos.
ProduktoFast food
Kita23,182,600,000 Dolyar ng Estados Unidos (2022) Edit this on Wikidata
Kita sa operasyon
9,371,000,000 Dolyar ng Estados Unidos (2022) Edit this on Wikidata
6,177,400,000 Dolyar ng Estados Unidos (2022) Edit this on Wikidata
Kabuuang pag-aari52,626,800,000 Dolyar ng Estados Unidos (2020) Edit this on Wikidata
Dami ng empleyado
200,000 (2020) Edit this on Wikidata
WebsiteMcDonalds.com
McDonalds.com.ph

Ang McDonald's Corporation o McDonalds (kilala sa Pilipinas bilang McDo) (NYSE:MCD) ay ang pinakamalaking fast-food chain ng restawran ng mga hamburger, na naglilingkod sa mahigit 64 milyong mga kostumer araw-araw sa 119 mga bansa[1][2] Matatagpuan sa Estados Unidos ang punong-tanggapan nito, at nagsimula ang kompanya noong 1940 bilang isang restawran ng ihaw-ihaw na pinamamahalaan nina Richard at Maurice McDonald kung saan hinango ang pangalan ng kompanya; Sumali ang negosyanteng si Ray Kroc sa kompanya at naging ahente ng prangkisiya noong 1955. Lumaon ay binili niya ang kompanya sa magkapatid ng McDonald at nakita ang paglaki nito sa buong mundo.[3]

Dahil sa tagumpay na natamasa ng McDonald's sa pandaigdigang merkado, ang kompanyang ito ay naging simbolo ng globalisasyon at ang nagpakalat ng kung paano mamuhay ang mga Amerikano. Ang pagiging prominente nito rin ang nagdulot para maging dahilan ng mga debate tungkol sa obesidad at ang responsibilidad sa mga konsumer.

Ang McDonald's sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 1980, mayroon nang 300 sangay ang McDonald's sa Pilipinas mula Laoag hanggang Zamboanga. Ang mga celebrity endorser ng restaurant na ito na kabilang ay sina Sharon Cuneta, Jasmine Trias (American Idol 2004 Runner-up), Edu Manzano, Dolphy, at Richard Gomez (na dating nagtrabaho sa McDonald's bago pumasok sa showbiz noong 1980s).

Ang Jollibee ay isa sa mga pangunahing kakumpetensya ng McDonald's sa McDonald's sa Pilipinas.

Isang tindahan ng McDonald's sa Toronto
McDonald's Plaza

Mga Talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "McDonald's Corporation 2010 Annual Report" (PDF). McDonald's Corporation. 2010. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2011-05-16. Nakuha noong 2011-07-12.
  2. "50th Anniversary of McDonald's". NPR. 2005-4-14. {{cite news}}: Pakitingnan ang mga petsa sa: |date= (tulong)
  3. "McDonald's History". Aboutmcdonalds.com. Tinago mula sa orihinal noong 2011-11-26. Nakuha noong 2011-07-23.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.