Pumunta sa nilalaman

Mga wikang Romanse

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikang Romanse)
Mga wikang Romanse sa Europa

Ang mga wikang Romanse (kilala rin bilang mga wikang Romaniko, wikang Latino o wikang Neo-Latino) ay isang sangay ng subpamilyang Italiko ng Indo-Europeong pamilya ng wika, na tumutukoy sa mga wikang nagmula sa Latin, ang wika ng sinaunang Roma. Mayroong halos 800 milyong mananalita ang mga wikang Romanse sa buong mundo, lalo na sa Europa at sa Kaamerikahan (the Americas), at sa iba't-ibang bahagi ng mundo.

Ang mga pinakamalaking isinapamantayang wikang Romanse ay Espanyol (Kastila), Portuges, Pranses, Italyano, Rumano at Katalan. Mayroon ring mga wikang Romanse na may mas maliliit na pamayanan ng mga mananalita, ngunit mahirap bilangin ito. Maaaring magbigay ng konserbatibong taya na 25 wika ayon sa isang mahigpit na pagsisiyasat.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.