Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay
Dinodokumento ng pahinang ito ang isang gabay sa Wikipediang Tagalog. Tinatanggap ito bilang isang pangkalahatang pangkat ng mga pinakamainam na kasanayan na dapat sundin ng mga patnugot, bagaman, pinakamabuti na itrato ito na may sentido komun, at maaring ilapat ang paminsan-minsang eksepsyon. Kailangang sumalamin ang kahit anumang matibay na pagbabago sa pahinang ito ang isang konsenso. Kapag may duda, pag-usapan muna sa pahina ng usapan. |
Ito ang gabay sa abakada at pagbabaybay na patnubay sa kung anong abakada o alpabeto ang ginagamit sa Tagalog Wikipedia. May layunin itong makatulong bilang isang gabay sa pagsusulat at pagbabaybay ng mga salita, na nagbibigay naman ng konsiderasyon at paggalang sa mga baryedad o uri ng Tagalog, Pilipino, at Filipino.
Ang abakadang pangwikipedia
[baguhin ang wikitext]Sa Tagalog Wikipedia, ginagamit ang isang mas malawak na uri ng abakada o alpabeto. Kinikilala ito dito bilang abakada ng Wikang Wiking Tagalog o alpabeto ng Wikang Wiking Tagalog na nakabatay sa pinagsamang abakada ng wikang Tagalog at abakada ng Ortograpiya ng Wikang Filipino ng 2008. Batay ito sa pinagsanib na panukala ni Leo James English at sa kasalukuyang alpabetong itinakda ng Komisyon ng Wikang Filipino.
Ayon kay Leo James English (mula sa kaniyang Tagalog-English Dictionary, sa seksiyong may pamagat na THE ALPHABET):
- Orihinal na nasa Ingles:
"The alphabet (abakada) used in this dictionary consists of twenty letters including the vowels: a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w and y. It is now commonly admitted that this alphabet should be enlarged to include the letters c ch f j q and v. These additional letters are often used by writers in spelling capital names and many loan words borrowed from Spanish and English."
- Salin sa Tagalog:
"Ang alpabetong (abakada) gamit sa diksyunaryong ito ay binubuo ng dalawampung titik na kinabibilangan ng mga patinig: a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w and y. Karaniwang inaamin ngayon na ang abakadang ito ay dapat na palawakin para ibilang ang mga titik na c ch f j q at v. Kalimitang ginagamit ng mga manunulat ang karagdagang mga titik na ito sa pagbabaybay ng mga pangalan ng mga kabisera at maraming mga hiram na salitang nagmula sa Kastila at Ingles."
Mapapansin na may kakulangang mga titik mula sa panukala ni Leo James English, kaya't kinailangang ampunin din ng wikipediang ito ang mas malawak na alpabeto mula sa Komisyon ng Wikang Filipino, na kinabibilangan ng mga titik na ñ, x, at z (ngunit walang ch dahil mayroon na itong magkahiwalay na c at h).
Buong alpabeto
[baguhin ang wikitext]Naririto ang mga titik ng abakadang ito, ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga titik. Nauuna ang malaking anyo ng titik, na sinusundan ng maliit na anyo ng titik. Sa kabuoan, mayroong 28 na titik ang alpabetong ito, na may 5 patinig, at 23 katinig.
Mga patinig
[baguhin ang wikitext]Mga katinig
[baguhin ang wikitext]Mga katangian ng bawat titik
[baguhin ang wikitext]Naririto ang mga katangian ng mga titik ng abakadang ito. Nahahati ang mga katangian sa pagitan ng mga karaniwan at mga natatangi. Kalimitang matatagpuan ang mga natatanging titik na ito sa mga pangalan ng tao, pook, o katulad na tanggap na sa Wikang Wiking Tagalog, at mula sa mga pangalang siyentipiko, banyagang salita, pangalan, pook, o katulad.
malaking anyo |
maliit na anyo |
nasa bigkas-Ingles ayon sa Ortograpiya ng 2008[1] |
(kung bakit naging natatangi) | |
A | a | /ey/ | karaniwan | |
B | b | /bi/ | karaniwan | |
C | c | /si/ | natatangi | dahil sa titik k at s |
D | d | /di/ | karaniwan | |
E | e | /ii/ | karaniwan | |
F | f | /ef/ | natatangi | dahil sa titik p |
G | g | /dzi/ | karaniwan | |
H | h | /eyts/ | karaniwan | |
I | i | /ay/ | karaniwan | |
J | j | /dzey/ | natatangi | dahil sa titik h at pinagsamang d(i)y |
K | k | /key/ | karaniwan | |
L | l | /el/ | karaniwan | |
M | m | /em/ | karaniwan | |
N | n | /en/ | karaniwan | |
Ñ | ñ | /enye/ | natatangi | dahil sa pinagsamang mga titik n at y |
NG | ng | /endzi/ (pero /nang/ kung nagiisa) |
karaniwan | |
O | o | /o/ | karaniwan | |
P | p | /pi/ | karaniwan | |
Q | q | /kyu/ | natatangi | dahil sa mga titik na k, w, y, e, i, at u |
R | r | /ar/ | karaniwan | |
S | s | /es/ | karaniwan | |
T | t | /ti/ | karaniwan | |
U | u | /yu/ | karaniwan | |
V | v | /vi/ | natatangi | dahil sa titik na b |
W | w | /dobolyu/ | karaniwan | |
X | x | /eks/ | natatangi | dahil sa mga titik na e, k, at s na naging eks |
Y | y | /way/ | karaniwan | |
Z | z | /zi/ | natatangi | dahil sa titik s |
Mga titik na wala sa talang ito | natatangi | hindi likas o hindi katutubo sa alpabetong ito |
Ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng 2008
[baguhin ang wikitext]Ang pinal na borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng 2008[2] ay sinang-ayunan ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 20 Mayo 2008. Sa pangkalahatan, ito ay isang pagbabalik at pagpapanatili ng status quo (ang 1987 Ortograpiya). Narito ang mga nilalaman nito:
- Nagbalik na sa bigkas-Ingles ang mga titik ng wikang Filipino, at talagang ipinagwalang-bisa ang bigkas-Abaseda
- Mga pangkalahatang tuntunin sa pagbaybay:
- Gamitin ang Abakada para sa salitang katutubo (Tagalog)
- Kapag hihiram mula sa ibang katutubong wika, gamitin ang buong Alpabetong Filipino at panatilihin ang orihinal na pagbaybay at pagbigkas nito kapag ito ay gumagamit ng ponemang wala sa Tagalog
- Mga tuntunin sa paghiram mula sa banyagang wika:
- Bahagi II Sek. C: Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang ginagamit: panatilihin ang orihinal nitong anyo o baybayin ito ayon sa Abakada. Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikapitong bahagi ng patnubay na ito.
- Bahagi VII:
- Huwag maghiram at hanapin muna ang katumbas sa wikang pambansa
- Huwag pang manghiram at hanapin ang katumbas sa ibang wikang katutubo
- Mga tuntunin sa paghihiram ng salitang banyaga
- Kung hihiram sa Espanyol, baybayin ang salita ayon sa Abakada
- Kung hihiram sa Ingles at ibang salitang dayuhan, panatilihin ang orihinal na baybay nito
- Panatilihin ang baybay ng mga salitang pantangi, teknikal at pang-agham
- Baybayin alinsunod sa Abakada ang mga hiram na salita na naiba na ang bigkas at/o kahulugan sa orihinal
- Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit
- Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa Abakada sa pagbaybay ng mga hiram na salita. Ang istriktong ponetikong baybay sa mga hiram na salita, lalo na sa wikang Ingles, ay nakikipagkumpetensiya sa orihinal na baybay.
- Sumunod sa opisyal na pagtutumbas (hal. Pilipinas, 'di Filipinas)
- May mga bagong tuntunin sa paggamit ng malaking titik. Ayon sa Ortograpiya ng 2008, ginagamit, at dapat gamitin, ang malaking titik sa sumusunod na uri ng pangalan/pangngalanng pantangi:
- Pangalan ng tao o hayop
- Mga lugar
- Nasyonalidad at wika
- Araw, buwan at piyesta opisyal
- Titulo ng tao
- Pangalan ng gusali
- Mga pamantasan, paaralan at organisasyon
- Mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan
- Mga markang pamprodukto
- Mga daglat
- Relihiyon (tulad ng Hindu, Muslim at Budista)
- Pamagat ng mga akda
- Mga tampok na pangyayari sa kasaysayan
Kaugnay ng pagtatala o enumerasyon
[baguhin ang wikitext]Dahil sa paggamit ng abakadang ito, mas minamarapat na itala o ihanay ang enumerasyon sa loob ng isang lathalain o artikulo ayon na rin sa pagkakasunud-sunod ng mga titik ng alpabetong ito. Kung bakante o walang nilalaman ang hanay ng titik, lagyan na lamang ng katagang "*Wala" o kaya lagtawan ang titik. Maaaring hindi gamitin sa enumerasyon ang mga titik na ñ at ng.
Tingnan din
[baguhin ang wikitext]- Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo
- Wikipedia:Pagsasalinwika
- Wikipedia:Mga gabay sa estilo sa paglalathala
- Wikipedia:Gabay sa Istilo (Taksonomiya)
- Wikipedia:Pamantayang pangwika
- Wikipedia:Pabayaan ang patakaran
Sanggunian
[baguhin ang wikitext]- ↑ Ayon sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng 2008, ibinalik sa bigkas-Ingles ang mga titik ng Abakada ng 1987. Ang tala ng Abakada na narito ay mismong mula sa 1987 na nakuha mula sa Omniglot.com
- ↑ 2008 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa (isang talaksang PDF), paunawa: naglalaman ng 37.1 mga megabyte ang laki kaya magtatagal ng 15 mga minuto upang maikargang ganap.