Wikipedia:Pamantayang pangwika
Ang nilalaman ng pahinang ito ay opisyal na patakaran sa Wikipedia. May malawak itong pagtanggap sa pagitan ng mga tagapatnugot at kinikilala bilang isang pamantayan na nararapat sundin ng lahat. Maliban sa maliliit na pagbabago, maaaring gamitin ang pahinang usapan upang magmungkahi ng mga pagbabago sa patakarang ito. |
Dinodokumento ng pahinang ito ang isang gabay sa Wikipediang Tagalog. Tinatanggap ito bilang isang pangkalahatang pangkat ng mga pinakamainam na kasanayan na dapat sundin ng mga patnugot, bagaman, pinakamabuti na itrato ito na may sentido komun, at maaring ilapat ang paminsan-minsang eksepsyon. Kailangang sumalamin ang kahit anumang matibay na pagbabago sa pahinang ito ang isang konsenso. Kapag may duda, pag-usapan muna sa pahina ng usapan. |
Ito ang pamantayang pangwika sa Wikipediang Tagalog na naglalayong ipaliwanag kung anong uri at anyo ng wikang Tagalog ang minamarapat na gamitin sa Wikipediang ito.
Ano ang kahulugan ng Wikang Tagalog sa Wikipedia?
Para sa Wikipedia (at Wikimedia) ang pangalang Wikang Tagalog ay itinuturing na sumasakop sa mga wikang pinapangkat bilang Wikang Tagalog, Wikang Pilipino, at Wikang Filipino. Ganito ang pagturing ng Wikipedia sa mga ito sapagkat wala pang opisyal na lathalain, kahit mula sa Komisyon ng Wikang Filipino, na nagpapahayag na magkakaiba nga ang mga ito. Sa katunayan, ang mga pangkasalukuyang diksyunaryo o talahuluganang nagmumula sa Pilipinas ay pinamamagatang Diksyunaryo ng Wikang Tagalog, Diksyunaryong Wikang Pilipino, o Diksyunaryong Wikang Filipino (o katulad). Ngunit kung titingnan ang nilalaman, ang puno’t dulo ay mga salitang itinuturing ding mula o kabilang sa Wikang Tagalog. Kaya’t sa Wikipedia, pinagsamasama ang tatlong mga pangkat o pamagat na pangwikang ito sa ilalim ng pangalang Wikang Tagalog lamang, na tinatawag ding Wikang Wiking Tagalog. Ginawa ito upang maiwasan o malunasan ang anumang pag-aalitang pangwika. Hindi nakikilahok ang Wikipedia sa mga panlabas na pagtatalong pangwika.
Ano ba ang kabilang sa mga salitang Tagalog?
Ang isang salita na itinuturing ng Wikipedia na kabilang sa Wikang Tagalog ay iyong anumang salita na nasa mga pahina ng mga diksyunaryong pinamagatang Diksyunaryong Tagalog, Diksyunaryong Pilipino, at Diksyunaryong Filipino.
Pero, ano ba ang salitang mas Tagalog kaysa iba?
Ang mga salitang mas Tagalog ay yung anumang salitang likas na Tagalog o may salitang-ugat na Tagalog. Ang mga salitang tinatanggap na Tagalog ay anumang salitang nasa mga diksyunaryong pinamagatang Diksyunaryong Tagalog, Diksyunaryong Pilipino, at Diksyunaryong Filipino subalit nagmula o halaw mula sa mga banyagang salita katulad ng Wikang Kastila, wikang Ingles, wikang Intsik, o anumang dayuhang wika na hindi katutubo sa Pilipinas.
Paano kung hiram ngunit isang katutubong salitang Pilipino?
Sa pagkakataong ito, ang salitang hiram ngunit katutubo sa Pilipinas o katutubong Pilipino ay ituturing na saklaw ng Wikang Wiking Tagalog sapagkat isa naman itong likas na salita mula sa isang katutubong wikang Pilipino. Kasingkahulugan ng pariralang mula sa isang katutubong wikang Pilipino ang mula sa isang katutubong wika sa Pilipinas. At dahil ito ay likas na salitang ginagamit ng mga Pilipino o isang katutubong salita sa Pilipinas, ituturing ito bilang isang mas katutubong salita ng mga Pilipino o mas katutubong salita sa Pilipinas, na ituturing na katumbas at saklaw ng kapwa katawagang Tagalog o mas Tagalog - ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Itinuturing na ganito ang salita o mga salitang ito sapagkat hindi matatagpuan ang lahat ng salita mula sa iisang diksyunaryo lang o iisang pangkat ng mga diksyunaryo lamang. Sa katunayan, bawat diksyunaryo ay masasabing palagiang may kakulangan dahil sa patuloy na paglago o pagunlad ng wika. Subalit, iminumungkahing ipaliwanag sa lathalain kung saan nagmula ang salita sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sanggunian at talababa. Katulad ng paglalagay ng Isang katutubong wika: mula sa [pangalan ng wika]. Sa pamamagitan nito mapagtitibay na isa ngang salitang gamit ng mga Pilipino o gamitin sa Pilipinas ang salita. Kailangang rin ipaliwanag ng malinaw ang kahulugan ng salita o mga salitang ito. Hiniling lamang din na pilitin muna sanang makahanap ng salitang magagamit mula sa mga diksyunaryong nabanggit sa itaas bago manghiram.
Anong uri ng wikang Tagalog ang ginagamit sa Wikipedia?
Naririto ang mga ilang piling halimbawa o huwarang mga panitikang nasa pormal na pananagalog at minumungkahing tularan ng mga Wikipedistang nagsusulat o naglalathala sa Tagalog Wikipedia:
Mula sa Pilipinas
- Ang Banal na Biblia, na isinalin ni Jose C. Abriol (2000) ISBN 9715901077
- Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia, mula sa AngBiblia.net
- Ang Dating Biblia (1905), mula sa ADB.ScriptureText.com/Biblos.com
- Halimbawa ng tekstong nasa wikang Filipino:[1]
"Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Sila'y pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran." - maikling sipi mula sa Artikulo 1 ng Pandaigdigang Pagpapahayag ng Karapatang Pantao[1]
Mula sa labas ng Pilipinas
Tingnan din
- Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo
- Wikipedia:Pagsasalinwika
- Wikipedia:Mga gabay sa estilo sa paglalathala
- Wikipedia:Gabay sa Istilo (Taksonomiya)
- Wikipedia:Pamantayang abakada at pagbabaybay
- Wikipedia:Pabayaan ang patakaran
- Wikipedia:Gabay sa Romanisasyon ng Wikang Hapones