Wikipedia:Gabay sa Romanisasyon ng Wikang Hapones
Itsura
Dinodokumento ng pahinang ito ang isang gabay sa Wikipediang Tagalog. Tinatanggap ito bilang isang pangkalahatang pangkat ng mga pinakamainam na kasanayan na dapat sundin ng mga patnugot, bagaman, pinakamabuti na itrato ito na may sentido komun, at maaring ilapat ang paminsan-minsang eksepsyon. Kailangang sumalamin ang kahit anumang matibay na pagbabago sa pahinang ito ang isang konsenso. Kapag may duda, pag-usapan muna sa pahina ng usapan. |
Sa kasalukuyan, may tatlong sistemang ginagamit sa pagsusulat at pagbabaybay sa Romanisasyon ng Wikang Hapones o romaji:
- Romanisasyong Hepburn (halimbawa: Tōkyō)
- Romanisasyong Wapuro Hepburn (halimbawa: Toukyou)
- Romanisasyon Hepburn na walang makron (halimbawa: Tookyoo)
Dahil tumpak naman ang lahat ng mga sistemang nabanggit sa itaas, na depende lamang sa panlasa ng mga nagsusulat sa romaji (panitik sa baybay ng letrang romano) kung alin ang mas mainam para sa kanila, minainam ng Wikipediang Tagalog na isulat ang Gabay sa Romanisasyon ng Wikang Hapones[1] na ito:
- Gamitin ang regular na Hepburn sa pamagat ng artikulo, pero gawing karga (redirect) ang pamagat nakasalin sa Wapuro o Hepburn na walang makron sa pamagat na gumagamit ng regular na anyo. Kung naisulat na ito, ililipat na lang ito. (Tandaan: huwag pong mag-copy/paste upang maglipat ng artikulo. Gamitin ang tab na "Ilipat".)
- Pabalikin ang kahon sa ibaba na nagpapakita ng natatanging titik at simbolo upang maipadali ang pagdagdag ng makron (dati kasi, mayroon ito, ngunit tinanggal). Makikita ito sa edit box sa may English Wikipedia; may drop-down box na naglilista ng iba't-ibang uri ng titik na may tuldik.
- Maaaring gamitin ang anumang uri ng romanisasyon, batay sa preperensiya ng taga-ambag, sa pagsulat ng artikulo. Kung may tagagamit na interesadong ipalit ito sa pamantayang Hepburn, pabayaan natin sila. Para maitupad ito, kailangan ng correspondence table ang tatlong uri ng romanisasyon.
- Kung karaniwang binabaybay ang salitang Hapones nang walang makron at walang salin sa Tagalog (hal. Osaka), pabayaan ito. Kapag karaniwang sinusulat ito na may makron, maaari munang isulat ito sa pamamagitan ng Wapuro o Hepburn na walang makron. Tulad sa ikatlong punto, kung may tagagamit na interesadong palitan ito sa pamantayang Hepburn, pabayaan natin sila.
Tingnan din
[baguhin ang wikitext]- Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo
- Wikipedia:Pagsasalinwika
- Wikipedia:Pamantayang pangwika
- Wikipedia:Pamantayang abakada at pagbabaybay
Sanggunian
[baguhin ang wikitext]- ↑ Wikipedia:Kapihan - Romanisasyon ng Hapones (Wikipedia:Kapihan#Romanisasyon ng Hapones), nakuha noong 29 Disyembre 2008