Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Hulyo 2
Itsura
- Sa programang Pangkat McLaughlin, ipinahayag ng analista ng MSNBC na si Lawrence O'Donnell na alam niya ang pagkatao ng pinagkunan ni Matthew Cooper sa iskandalong paglalantad ni Valerie Plame ay si Karl Rove. (Huffington Post)
- Inilantad ng Punong Ministro ng Indya na si Manmohan Singh Sethusamudram Shipping Canal Project sa gitna ng mga protesta ng mga mangingisda at makakalikasan. Aabot sa 600 ang nahuli. (Rediff) (Reuters)
- Sinimulan sa Tokyo ang mga paglibot ng konsyertong Live 8 na sasaklawin ang buong mundo. Ilang kilalang artista at pangkat pangmusika ang sumama dito sa pagpupunyaging itaas ang antas ng kabatiran sa kahirapan at AIDS na nagsisilbing panimula para sa pagpupulong G8 at anibersaryo ng mga konsyertong Live Aid noong 1985. (Wikinews) (Wired) (Globe and Mail) (LA Times). Related information: (Live 8 home page) (The ONE organization) (AOL Music (live webcast))
- Sa Australya, ang pook ng huling paninindigan ng bushranger na si Ned Kelly sa Glenrowan, Victoria ay ginawang pambansang pamanang lugar. (ABC) (Australian)
- Si Dave Zabriskie ang naging pangatlong Amerikano na nagsuot ng dilaw na jersey na pampinuno sa Tour de France. Tinalo niya ang kapwa Amerikano na si Lance Armstrong ng 2 segundo sa unang yugto. (le Tour de France official website)