Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Hunyo 12
Itsura
- Pinalaya na ang mamamahayag na Pranses na si Florence Aubenas at ang kanyang taga-Iraq na tagapagsalin na si Hussein Hanoun al-Saadi pagkaraan ng limang buwang pagkakabihag sa Iraq. (BBC)
- Hidwaan sa Iraq:
- Isang serye ng pagbobomba ang naganap sa mga lungsod ng Ahwaz at Tehran ng Iran. Walong tao ang namatay at marami ang nasugatan. Wala pang nag-ako ng responsibilidad. (BBC)
- Ipinahayag ni Mike Tyson na magreretiro na siya sa boxing. Wikinews
- Halalan sa Lebanon: Ipinapakita ng panimulang resulta ng halalang parliyamentaryo ang pagtaas ng suporta para sa mga partidong maka-Syria. Tinanggap na ng lider ng Druze na si Walid Jumblatt ang pagkatalo. (Daily Star) (ABC) (IHT) Si Michel Aoun, dating pinatapon na heneral, ay maaring nanalo sa botong Kristiyanong Maronita. (Daily Star) (Reuters) (Al-Jazeera) Sa susunod na linggo ang huling yugto ng halalan.
- Hinirang ng Kuwait ang unang babaeng gabineteng ministro na si Massuma al-Mubarak. (Al-Jazeera) (Arab News) (IHT)
- Sa Pilipinas, hiniling ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakaisa sa harap ng alegasyon ng pandaraya sa halalan na hindi pa napapatunayan. Nakaalisto ang hukbo upang hadlangan ang mga magbabalak ng kudeta. Nagtatag ng maiksing protesta ang oposisyon upang hingiin ang pagbitiw ni Arroyo. (Sun Star, Philippines) (ABS-CBN)
- Hinirang ng Kurdong parlamento sa hilagang Iraq si Masoud Barzani bilang pangulo ng rehiyon. (Reuters)
- Sa Tsina, tumaas sa 92 ang opisyal na namatay sa pagbaha sa lalawigan ng Heilongjiang. (Xinhua) (People's Daily)
- Nanawagan ng oposisyon sa Ethiopia ng katahimikan pagkaraan ng mga protesta ng nakaraang linggo. (Reuters AlertNet)
- Inangat na ng Nepal ang pagbabawal sa mga istayong pantelebisyon ng India. (Deepika) (BBC)