Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Hunyo 13
Itsura
- Binigyan ng walang kasalanang hatol si Michael Jackson sa mga kasong isinampa sa kanya. (CNN) (BBC)
- 92 katao, halos lahat kabataan, ay namatay nang tumama ang isang baha sa isang paaralan sa Shalan, lalawigan ng Heilongjiang, Tsina. (BBC)
- Natapos na ang botohan sa Italya para sa dalawang araw na reperendum tungkol sa mahigpit na batas sa paggagamot sa pertilidad. Pinayuhan ng Simbahang Katoliko ang mga kasapi nito na iboykot ang botohan, na nangangailang ng 50% kinalalabas upang maging balido. Ang paunang kinalabasan ay naging mababa at tinatayang hindi aabot sa 50% antas. (Reuters AlertNet) (Reuters) (BBC) (IHT)
- Sa Pilipinas, ipinahayag ni Ignacio Bunye, ang Kalihim ng Pamamahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na handang harapin ng Pangulo ang angkop na pagsasakdal kung susundin ng oposisyon ang angkop na prosesong legal. Maraming politiko ang naghayag ng pagsuporta sa pangulo. (ABS-CBN) (Manila Bulletin)
- Handa na ang pulisya ng Pilipinas na ihabla ang dating diputadong direktor ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat na si Samuel Ong para sa iligal na wiretapping at sedisyon. (Sun Star)
- Umalis na ang huling mga tropa para sa pagpapanatili ng kapayapaan ng Australia sa Silangang Timor. (SBS) (ABC) (Reuters)
- Sa Timog Korea, nagbabalak si Kim Woo Choong, dating pinuno ng Daewoo Group, na bumalik sa bansa pagkatapos ng limang taong paninirahan sa ibayong-dagat. Hinaharap niya ang sakdal na pandaraya o panloloko pagkaraan ng pagbagsak ng Daewoo Group. (Korea Times) (Korea Herald) (Channel News Asia) (BBC)